Chapter 4

2093 Words
Nang makababa sa may malawak na patag na lupa ay sumalubong sa amin ang isang grupo ng kalalakihan, para silang mga sundalo dahil sa mga kamay nilang nakasaludo sa amin. Sabay-sabay ang mga ito nang yumuko sila bilang pag-welcome sa amin ni Papa. "Good afternoon, Ma'am and Sir! Welcome to Rampage Island!" anang isang lalaki, saka kami sinabitan sa leeg ng tag-isang bulaklak. Saglit ko silang pinagmasdan habang hindi maipagkakaila ang labis na tuwa sa mukha ko. Malayo sa naiisip kong Rampage Society ang bumungad sa akin ngayon, hindi ko tuloy alam kung totoo bang illegal business ito. Ngunit isa iyon sa kailangan kong patunayan, para rin kahit papaano ay mabigyan ko ng justice ang naging trabaho ni Mama noon, na hindi lang sila basta club na nagbebenta ng aliw sa mga mayayamang kalalakihan. Napailing-iling ako sa kawalan, kasabay nang pag-alpas ng mumunting ngiti sa labi ko. Binalingan ko si Papa mula sa likuran ko na ngayon ay nakasunod lamang sa akin habang hawak sa isang kamay ang maleta ko. Nang mapansin niyang nakatitig ako sa kaniya ay tipid lamang itong ngumiti at nagpatuloy sa paglalakad. Palinga-linga ako sa magkabilaang gilid ko at kahit ngayong nasa lapag na kami ay namamangha pa rin ako. Napakaaliwalas ng paligid— tipong lahat ng problemang dinadala ko ay tinatangay ng hanging kay lamig sa pakiramdam. Nawala bigla iyong pagkaayaw ko sa lugar nito at palihim pa akong nagpasalamat kay Mama na rito ako napunta at hindi sa Makati. Wala sa sarili nang dumoble ang pagkakangiti ko habang tinatahak ang daan patungo sa malaking building na naroon sa harapan namin. It has a color of cream and brown at sa sobrang lawak nito ay hindi ko alam kung saan ang hangganan no'n. Sa gilid ay mayroong mga gazeebo at ilang mga room faculties na napapalibutan ng mga palm trees. Sa kalilibot ng tingin ay hindi ko na namalayang narating na pala namin iyong building at deretsong pumasok sa loob. "Good afternoon! Welcome to Rampage Island!" masayang turan ng babae na naroon sa information desk, well-uniformed ito kung kaya ay kaaya-aya rin sa paningin ang lobby. So, sinunod pala sa Rampage ang pangalan ng isla na 'to? Ang cool. Sa sobrang pagkamangha ay halos buong minuto akong nakanganga. Ang noo'y pagkamuhi at pandidiri ko sa lugar ay naglaho na parang bula. Hindi ko nga alam kung tama ba na sana ay noon pa ako pumayag na magtrabaho rito, na sana ay dati ko pa tinanggap ang offer ni Mama, pero s**t— nakakawala pala sa huwisyo ang lugar na 'to na para bang sinadya ang disenyo nito para baliwin ang mga taong nagpupunta roon. May sinabi si Papa sa babaeng receptionist na hindi ko na nasundan pa dahil panay ang ikot ko sa lugar, inisa-isa kong nililingon ang mga taong nagdaraan sa malawak na hallway na nakalimutan ko nang dapat ay kumukuha na rin ako ng detalye. Pero hindi bale, hindi pa naman nagtatapos dito ang araw ko. Bukas ko na lang sisimulan ang trabaho ko dahil sa ngayon ay gusto ko munang aliwin ang sarili sa mga nakikita ko ngayon dito sa loob ng Rampage Island, literal na nakakawala ng pagod. "Reece, let's go." Dinig kong anyaya ni Papa at nauna na sa paglalakad na mabilis ko ring sinundan. Tinahak namin ang hagdan paakyat sa second floor at nilakad ang kahabaan ng hallway na carpented, para itong five-star hotel na may mga steel door sa magkabilaang gilid kung kaya ay hindi matapos-tapos ang pagkakanganga ko. Bawat kanto ay napapalingon ako na halos hindi ko na maitago ang pagkamangha sa kabuuan ng palapag na iyon, para lang akong bata na ipinapasyal ng kaniyang ama sa isang parke. Although, nakakakita naman na ako nito sa Italy. Sobrang out of the world lang talaga iyong pagka-amazed ko, since ang Pilipinas ay nakahanay sa poorest country at iyong mga nakikita ko rito sa Rampage Island ay madalas na matatagpuan sa bansang Japan. "We're here," pahayag ni Papa at huminto sa isang pinto na mayroong numerong 23A, rason para mapatigil din ako sa paglalakad. "Ito ang magiging kwarto ko?" takang tanong ko na siyang tinanguan naman niya. Matapos nitong i-tap ang isang black card ay kusa iyong nagbukas at bumungad sa paningin ko ang nakakapanindig balahibo sa ganda ng interior design. Mula sa kinatatayuan namin hanggang sa loob ay literal na nakakalaglag-panga. I just can't explain how amazed I am right now. I was left speechless. God damn it. Pumasok kami sa loob at dumeretso sa sala upang doon umupo sa pahabang sofa, samantalang si Papa naman ay naupo sa kaharap kong single sofa. "You okay, here?" aniya habang mariin akong pinagmamasdan, animo'y tinitimbang pa ang emosyong naglalaro sa mukha ko. "Ahm, yes?" Tumaas ang isang kilay ko at saka pa muling nilibot ng tingin ang loob ng unit. Namangha na ako sa labas pa lang, kaya hindi maipagkakailang maayos at maganda rin dito sa loob. Naroon ang chill vibes na siyang hinahanap ng mga turista sa isang resort. It has it all; the ambiance, the scenery and other amenities and services na kakailanganin ng turista. Hindi na rin siguro masama ang six months na pamamalagi ko rito, tiyak kong sulit na iyon na sa kabila ng trabaho kong buwis buhay ay ie-enjoy ko na lang din ang sarili sa mga nakikita sa paligid. Ngayon pa lang ay gusto ko nang lumangoy sa isla. "Not bad," simpleng sagot ko at tipid na ngumiti. "Right! Good to know then," wika nito at saka ako sinuklian ng masayang ngiti, tila ba nasisiyahan siyang makitang nagugustuhan ko ang lugar. "Ano pala ang magiging trabaho ko rito?" tanong ko, bakas pa sa boses ko ang pagiging excited. "What do you want, hmm?" Pinagtaasan niya ako ng kilay, animo'y ibinibigay sa akin ang desisyon. Uy, may choices. Kumibot ang labi ko sa kasiyahang namumutawi sa loob ko. Ngayon lang yata ako nabigyan ng pagkakataong pumili. Tila nabuhay ang dugo ko sa narinig at bahagya pa akong umahon mula sa pagkakaupo. "May pagpipilian pala..." Itinukod ko ang dalawang siko sa kandungan ko at saka pa dumukwang habang maang na nakatitig sa mukha ni Papa. Kasi kung mayroon ay mas mapapadali ang pagkalap ko ng mga impormasyon na pwede kong mailahad sa report ko. "Yes, pwede ka sa Global Positioning Market as financial officer—" "Mayroon bang offer sa Techonology Department dito?" pagsingit ko sa kaninang sinasabi nito. Since ang pangunahin kong trabaho as a journalist in Black Hawk Dragon Organization is to monitor some secret data base, to gather full information using their tech-savvy nature. Kailangan kong malaman kung paano, saan at ano ang mga kamaliang ginagawa sa loob ng Rampage. Base on my mission— Rampage Society is illegal. Don't you know that human trafficking or the purposes of forced labour or s****l exploitation is the third largest crime industry in the world, behind drugs and arms trafficking? Yes, it's purely illegal. Wala na rin yatang magagawa ang hinihingi kong justice dahil una pa lang ay alam ko ng mali ito. Napahinga ako nang malalim bago isinantabi ang iniisip kong iyon, hindi ito ang oras para roon at kailangan kong mag-focus. "Gusto mong maging IT specialist?" Dinig kong bulalas ni Papa dahilan para mabalik ako sa reyalidad, kasabay nang pagkurap-kurap ko. Binalingan ko ito at nakitang nakakunot ang kaniyang noo, halos magdikit ang dalawang kilay nito na tinitigan ako na para bang hinahanap sa mukha ko kung tama bang nagbibiro ako ngunit seryosong tingin ang iginawad ko rito. IT specialist? Sounds good, so, yeah. "Yes? I just want to try it at kapag na-bore ako, pwede ba akong lumipat sa GPM as their financial officer?" dugtong ko at hindi na maitago ang excitement sa boses, para lang akong bata na nanghihingi ng pabor sa kaniyang magulang. Dahil sa sinabi ko ay tuluyan nang napanganga sa akin si Papa at hindi makapaniwalang pinagmamasdan ako. Naisip ko lang din kasi, what if kung pwede naman, hindi ba? After kong makakuha ng impormasyon sa IT Department ay lilipat ako sa iba para mas mapalawak ang mga nalalaman ko. Wala sa sariling napangiti ako at itinagilid ang ulo, kailangan kong matapos ang mission ko sa loob ng anim na buwan at sa ganoong paraan ay mapapabilis ang pag-alis ko kahit pa na gustung-gusto ko ang lugar na 'to. Baka kasi kapag nagtagal pa ako ay baka hindi na ako makaalis. "Sure ka ba riyan? I don't know if it's allowed, Reece," matigas ang boses niyang pahayag, kaya nahulas ang emosyon sa mukha ko. Tipid akong ngumiti. "It's all right though." Kung hindi pwede, gagawa na lang ako ng ibang paraan. Mabuti siguro kung pag-aralan ko muna ang mga tao rito, kung ano ang galaw at mga ugali nila. Hindi pa nagtagal nang tumayo si Papa at bahagyang nag-inat ng katawan. "Hindi na ako magtatagal dito, Reece. I need to go back bago pa man ako maabutan ng dilim sa himpapawid," aniya at saka inayos ang sarili, marahan akong tumango bilang pagsang-ayon at tumayo na rin mula sa pagkakasalampak ko sa sofa. "Bukas ay may darating ditong tauhan para i-orient ka at nang mai-tour ka muna rito sa isla. Sa ngayon, you need to rest well, okay?" Tumango ako bilang tugon. Sinamahan ko rin ito upang ihatid patungo sa pinto at sandali siyang huminto para lingunin ako. Kita ko pa ang mabigat nitong paghinga, rason para kumunot ang noo ko habang nakatingala sa kaniya. "I know na hindi ka na bata, pero, Reece baby... take care of yourself, all right?" malambing nitong saad at niyakap ang ulo ko. "Okay, Pa..." "Kapag may nangyaring masama, tumawag ka sa akin kaagad." "Pa, malaki na ako at alam ko na ang gagawin ko. You don't need to worry about me, nakaya ko nga noon sa Italy, e. Partida at ako lang mag-isa no'n." Mahina itong natawa dahil sa sinabi ko. "Oo nga pala bago ko makalimutan, isa ka nga palang strong independent woman." "I am," tumatawang sambit ko. "Anyway, wala ka pa talagang boyfriend?" "Pa!" ura-urada kong sigaw dahil sa sinabi niya, alam ko kasi na kung si Mama ay pinagbabawalan ako— si Papa naman ay all support sa akin. "Just kidding." Natawa na rin ako, kalaunan nang mapait akong ngumiti at napakurap-kurap pa habang yakap-yakap siya sa kaniyang baywang. Ilang minuto kami sa ganoon posisyon dahil ninamnam ko pa ang huling sandali na kasama ko si Papa. "Sige na, hija, magpahinga ka muna rito, ah? Tumawag ka sa baba kung may kailangan ka. Mauuna na ako," paalam nito bago kumalas sa akin at tuluyang nagpaalam. Hindi pa nagtagal nang maiwan ako sa loob at tuluyan na itong nakalabas ng kwarto hanggang sa mawala rin siya sa paningin ko. Nang maisarado ko ang pinto ay mabilis akong bumalik sa sala at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng unit. Lumapit ako sa mga sulok at kinapa-kapa ang ilang mga gamit doon, katulad ng flatscreen TV, round table, lampshade at kahit iyong chandelier ay tiningnan ko rin. Ilang minuto ang nagdaan nang marahas kong hinila ang pinakahuling hidden audio recorder na nakita ko at inilapag sa lamesa. So far ay wala namang hidden cameras na naka-install sa loob. Hinila ko pa ang isang wire na naka-connect sa kabilang kwarto na hindi ko malaman kung para saan iyon at hindi ko rin alam kung anong klaseng kwarto ang nasa kabila. Bukas ko na lang iyon titingnan at asikasuhin. Matapos sa ginagawa ay pinagpag ko ang dalawang palad at napatitig sa mga nakolekta ko, kinuha ko ang isa at saka maiging tinitigan habang nangungunot pa ang noo ko. It's a micro voice recorder that capture high quality and a high definition remote recording devices that capable of voice activation from a distance including real-time monitoring. Uh-huh? Hindi ko akalaing may ganito sa loob ng Rampage Society. For what, hmm? Something is fishy right here, huh? Well, sa apat na taong pagtatrabaho ko sa Black Hawk Dragon Organization ay isa ito sa mga napag-aralan at natutunan ko. Hindi iyon maiiwasan sa katulad kong nagbabalat-kayong turista. Kailangan din kasi iyon para hindi ako mahuli, lalo at madalas naman na mag-isa akong pinapatapon sa isang lugar. Wala akong kasama kung kaya ay sarili ko lang din ang aasahan at kakampi ko just in case na magkagulo o paghinalaan ako. Mayamaya pa nang mapangisi ako, saka tinungo ang maleta ko at mabilis na binuksan iyon. Kinuha ko ang laptop kong naroon sa pinakailalim at dali-daling in-open ang screen, dinala ko iyon sa center table at pinatong doon. Okay! I'm going to write down my first day experience here in Rampage Island.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD