Kumunot ang noo ko nang binalingan ko si Adam. What did he just said? Dream?Magtatanong pa sana ako sa kaninang sinabi niya dahil hindi ko masyadong naintindihan nang biglang mag-ring ang cellphone nito. Mabilis niya iyong kinuha sa kaniyang bulsa at tiningnan ang caller na hindi naabot na ng paningin ko. Sandali ako nitong nilingon, tila ba alangin pa siya kung sasagutin ba niya ang caller o babaliwalin.
Kung kaya bilang respeto ay bahagya akong tumagilid sa gawi nito. Tumikhim ako, kapagkuwan ay pinagkrus ang dalawang braso sa tapat ng dibdib ko. Inabala ko ang sarili sa pagtingin-tingin sa sea port area. Mayamaya pa nang mapansin kong tumalikod si Adam upang tuluyang sagutin ang tawag.
"Hello..." aniya sa kabilang linya.
Huminga ako nang malalim, saka pa napatingin sa aking wristwatch, it's already six o'clock in the evening at hindi ko alam kung itu-tour pa ba ako ni Adam sa Isla. Nag-aagaw na ang dilim sa liwanag, kaya mas mabuting ipagpabukas na lamang siguro. Hahanap na rin ako ng totoong tour guide. Kibit ang balikat kong nilingon ito nang bahagya siyang lumayo at imbes na maghintay pa ako sa kaniya ay nauna na akong naglakad pabalik ng building.
"Yeah... I miss... you, too..." sa mahina at putol-putol na boses na pahayag niya ngunit umabot pa iyon sa pandinig ko.
Wala sa sariling napangiwi ako habang tinatahak ang pathway patungong building. Sino kaya 'yon? One of his family? Girlfriend? Tumabingi ang ulo ko nang may matanto. Kung may girlfriend siya, hindi niya naman siguro ako yayakapin at hahalikan kanina, right? Hindi ko man gusto iyong nangyari, ayokong pumagitna sa dalawang nagmamahalan.
Ayokong makasira ng relasyon at hindi ako ganoon kadesperada para pumatol sa mga taong may karelasyon na. Iyon yata ang pinakanatutuhan ko kay Tita Ruby— to give up everything, kung hindi para sa 'yo ay hindi para sa 'yo. Mas mabuting ibigay sa kung kanino nakalaan at maghintay ng tamang tao para sa 'yo. Well, hindi naman na bago ang paghihintay sa akin. Sa kahihintay ko nga ng tamang tao ay nalanta na lamang ako.
Pagak akong natawa sa sariling kabaliwan at deretsong pumasok sa loob, hindi ko na nilingon si Adam kung ano na bang nangyari roon. Nang makapasok sa unit ay pasalampak akong naupo sa sofa. Ilang minuto akong nakipagtitigan sa kawalan habang malalim ang iniisip, kung hindi pa kumalam ang sikmura ko ay baka tuluyan na akong nawala sa huwisyo.
Kinabukasan nang magising ako pasado alas sais ng umaga. Kagaya kahapon ay ginawa ko ang morning routine ko, nagsuot lamang ako ng simpleng blouse at trouser. Hawak ang hand bag ko nang lumabas ako ng unit at deretsong nagtungo ng elevator, since alam ko na rin naman na kung saan naka-locate ang IT Department. Sa pangalawang araw ko rito ay hindi ko pa rin maiwasang mamangha. Nasa loob pa lang ako ng building, pero halos hindi ko na mabilang kung ilang beses nang nalaglag ang panga ko.
Quadrangle type itong building at tinalo pa yata ang Mall of Asia sa sobrang laki at lawak. Nang makalabas sa elevator ay mabilis ang paglalakad ko patungo ng Tech Hub. May kailangan pa kasi akong tapusin bago ako maunahan ni Adam. Malakas ang kutob kong naghihinala ito sa akin. Lakad-takbo ang ginawa ko para lang marating ang work station ko at laking gulat ko pa nang buksan ko ang cubicle ko ay naroon si Adam, hindi ito nagulat bagkus ay nilingon lamang ako nito sa pagitan ng kaniyang balikat at leeg.
"Anong ginagawa mo rito?" kunot ang noong pahayag ko, saka pabagsak na inilapag ang bag ko sa lamesa upang kunin ang atensyon niya.
"I'm just wondering kung ano ba iyong pinagkakaabalahan mo rito kahapon," saad nito at saka pa sumilay ang isang ngiti sa labi.
Bumaba ang tingin ko roon. What was that? Para saan ang ngiting iyon? Kinakabahan man ay hindi ko ipinahalata iyon.
"Wala ka namang mapapala riyan, ginawa ko lang iyong trabaho na ibinigay mo sa akin kahapon," taas ang noo kong sagot.
Rason iyon para mahina siyang natawa na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. Damn it!
"Okay. So, here, tapusin mo iyan ngayon." Gamit ang nguso niya ay itinuro nito sa akin ang isang manual notebook na roon lang din nakapatong sa lamesa.
"Umalis ka na para makapagsimula na ako," walang emosyong sambit ko at saka pa humalukipkip sa gilid niya.
Ano bang problema nito? Akala ko pa naman ay mas mapapadali ang trabaho ko ngunit heto siya na hindi ko akalaing nandito pala ito. Siya pa yata itong magiging hadlang sa akin sa trabaho.
"All right," pagbasag niya sa ilang minutong katahimikan na namuo sa pagitan naming dalawa.
Marahan itong tumayo at mabilis na dumako ang tingin niya sa akin na ganoon pa rin ang ayos, malakas man ang kaba sa dibdib ko ay nananatiling blanko ang expression ng mukha ko at hinarap siya. Nakita ko pa ang pagdila nito sa kaniyang natutuyong labi. Hindi ko alam kung nang-aakit ba siya, o talaga bang mannerism niya na iyon? Pero f**k, ang sexy lang kasing tingnan. Pumikit ako at iniiwas ang mukha sa gawi nito nang matantong kanina pa pala niya ako pinagmamasdan, baka nakita pa nito ang pagnanasa ko sa labi nito.
"May gagawin ka ba mamaya after work?" tanong nito, kaya maagap akong nagmulat.
Hindi ko na siya nilingon nang sumagot ako, "Wala naman siguro, o baka mag-isa na lang akong maglilibot sa Isla."
Sa sinabi ko ay narinig ko ang pagtawa nito na tila naging musika pa sa pandinig ko dahilan para kagatin ko ang pang-ibabang labi.
"I'm sorry kung hindi kita na-tour kahapon."
"Yeah, right. Whatever," sambit ko at saka tumayo upang lumipat sa swivel chair.
Medyo naaasiwa na rin kasi ako sa presensya niya, lalo na sa bulgar nitong pagtitig sa akin na akala mo ay ako lang ang taong nakikita niya sa dami ng populasyon sa mundo. Well, noon pa man ay talagang napaka-straight forward niya na— na magiging sanhi yata ng heart attack ko.
"Let's go on a dinner date," anyaya ni Adam, kaya wala sa sariling napahinto ako at napipilan nang nilingon siya.
Maliit lang itong cubicle ko kung kaya ay halos sumikip ang puso ko nang tumama ang dibdib ko sa matipuno nitong katawan. Nanlalaki ang mga mata kong kaagad na umiwas. Lalo pa nang marahan ako nitong itinulak na noon ay akala kong sa sahig ang bagsak ko ngunit mabilis niyang pinaharap ang swivel chair at doon bumagsak ang pang-upo ko. Nang mapaupo roon ay walang alinlangan niya akong ikinulong gamit ang dalawang braso nito na hinawakan ang magkabilaang arm rest ng swivel chair, kamuntikan pa akong maduwal sa pinaggagagawa nito.
"A—Adam..." para na akong malalagutan ng hininga nang sambitin ko ang pangalan nito.
Goodness! Bakit ba kasi siya ganito? Bakit ba ganito kalakas ang epekto niya sa akin?
"Ano bang ginagawa mo?" angil ko rito habang pinanlalakihan siya ng mata, ramdam ko na rin ang panginginig ng dalawang tuhod ko.
"Chill, young lady," pagpuna niya dahil hindi na ako mapakali sa kinauupuan kong swivel chair.
Huminga ako nang malalim at tumigil na sa paggalaw. Naiinis na nag-iwas ako ng tingin habang pasikretong pinapakalma ang sarili.
"Let's go on a date, all right. I want to cherish every minute with you. Matagal kang nawala sa akin, kaya susulitin ko na ang mga araw."
At hindi na nga yata makakalma pa ang puso ko sa tuwing nariyan si Adam, pati ang bulgar nitong bibig at galawan. Matapos ng lintanya nito ay pinatakan niya ako ng masuyong halik sa noo dahilan nang pagpikit ko, saka siya walang paalam na umalis sa harapan ko. Nang marinig ang pagbukas-sarado ng pinto ay doon lamang ako nagmulat.
Mabilis kong sinapo ang dibdib kong nagtataas-baba sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko, habol din ang hininga kong napatitig sa pintong pinaglabasan nito. Date? So, wala siyang girlfriend? Wala sa sariling natawa ako, nababaliw na yata ako dahil sa nararamdamang kiliti sa kaibuturan ko. Bahala na, bahala na kung anong mangyari kinabukasan.
I just want to enjoy what I'm feeling right now, it gives me chill down my spine and I'm starting to love it— really bad.