Dumeretso ako sa kwarto upang magpalit ng damit at nagsuot ng blue floral dress na umabot sa gitna ng hita ko, pinaresan ko lang iyon ng flat sandals. Tinuyo ko na rin ang buhok ko at bahagyang kinulot ang bandang dulo para naman magmukha akong presentable sa harapan ni Phantom dahil nakakahiya na nakita niya ako kagabi sa ganoong sitwasyon. Matapos maglagay ng light make up at red lipstick ay kinuha ko na ang sling bag ko at saka tuluyang lumabas ng kwarto. Sa sala ay naabutan ko sina Lauren at Adam na ngayon ay natulala na lang sa mukha ko. Nangingiti ko pang pinanood ang hirap na paglunok nito, kalaunan nang mapatiim bagang siya ngunit hinayaan ko na at hindi pinansin. Wala na akong pakialam sa kaniya. "Saan ang punta mo? Samahan na kita," takang pagtatanong ni Lawrence, bago pa man i

