Kinabukasan nang idaos ang second day ng Lunar Fest, extended ito dahil sa naudlot at naging kaganapan kahapon. Walang pasok ngayon ang department ni Adam dahil mas piniling makisaya at makisalo sa kasiyahan ng buong isla. Hawak-kamay kaming lumabas ni Adam sa kaniyang villa. Sa pathway pa lang palabas ng private villas ay makikita na ang samu't-saring palamuti sa paligid. Sa itaas ay may mga nakasabit na banderitas na iba't-iba ang kulay. Marami ang taong paroo't-parito at halos hindi magkandamayaw na nakikisabay sa tugtog na nanggagaling sa mga speaker na nakakabit sa bawat sulok ng isla. Nang makarating sa tapat ng building ay naroon sa man-made stage ang isang banda na masayang kumakanta, tila nakikianod sa alon ng kasiyahan. Sa likod nila ay ang malaking screen na nagpi-play patungk

