Third Person's Point of View Napatingin si Rin sa dalaga na paalis na matapos niyang hindi pansinin. Bahagya siyang napangisi. Hindi niya maintindihan kung bakit natutuwa siya sa dalaga. Siguro ay dahil sa pagiging clumsy nito ay hindi niya mapigilang matuwa. He sighed. Maybe he has to get some sleep. Hindi siya nakatulog ng maayos kahapon for some reason. Agad siyang tumayo at nagtungo sa kwarto niya. Sa pasilyo pa lang ay rinig na niya ang lakas ng kulog sa labas ng bahay nila , malakas ang hangin at ang ulang bumabagsak sa lupa. Dumidilim na rin sa labas. Mukhang may bagyo na parating. Papasok na sana siya sa sariling silid nang mapansing nakaawang ang pinto ni Charissa. Hindi niya tuloy maiwasang mapakunot. Mukhang nakaugalian na nito ang hindi pagsasara ng sariling pinto. Paa

