Charissa's Point of View Titig na titig ako sa kisame ng kwarto ko habang nakahilata sa kama. Matapos naming mag-almusal ay pinainom ako ni Kuya Kin ng gamot. Pagkatapos ay nagtungo na ako sa silid ko para magpahinga. Hindi pa rin maganda ang pakiramdam ko. Ang bigat nito at nahihilo. Tila wala akong lakas na gumalaw man lang. Ngunit sa tuwing sinusubukan kong matulog ay hindi ko magawa. Hanggang ngayon ay ginugulo pa rin ako ng sinabi ni Kuya Kin. I have siblings... Napabuntong hininga ako. It's been almost 3 weeks since mapunta ako sa bahay na ito at hanggang ngayon ay wala pa rin akong kaide-ideya kung sino ba talaga ako. Ni hindi ko alam kung ano ang mukha ng mga magulang ko. Nawala rin sa isip ko ang magtanong kina tita. Lagi kasi silang wala sa bahay at kung minsan ay pagod p

