Charissa's Point of View "K-Kin, what are you doing here?" hindi makapaniwalang untag ni ate Chelsea. Nakapamulsang nakasandal si Kuya Kin sa poste na nasa pagitan ng kusina at dining. Malamig itong nakatingin sa amin. "You didn't change at all. Still the Chelsea I've known for a long time. Bitchy as before?" walang ganang ani Kuya Kin. "C'mon, Kin---" "Laurence is looking for you," putol ni kuya Kin sa kanya. Masamang tumingin sa akin si Ate. "We're not done yet," bulong nito bago padabog na umalis. Agad namang lumapit sa akin si Kuya Kin. "You okay?" nag-aalalang tanong niya. Tumango naman ako habang nakayuko. Naiiyak ako. Piniligilan ko lang ang sarili ko na magpakita ng kahinaan. "Okay lang ako." Pilit akong napangiti. "Wait, did you believe what she told you?" parang nat

