Twelve

1856 Words

Charissa's Point of View "Miss, mag-isa ka lang?" tanong ng lalaking nasa gitna nila. Agad naman akong umiling bilang sagot.  "H-hindi. May kasama ako," tugon ko. Hindi ko maiwasang kabahan. Sa mga mukha pa lang nila ay hindi na katiwa-tiwala. Napalunok ako nang mapansin ang pagsilay ng ngisi sa labi ng lalaki.  "Your boyfriend?" tanong nito. Tanging titig lang ang nagawa ko. Gusto kong magsalita ngunit tila kinain na ako ng kaba ko.  "Gino, I think she's Adrian's new girl," sabat ng isang kaibigan nito. Mas lalong lumaki ang ngisi ng lalaking tinawag nilang Gino. Napaatras ako nang umabante siya palapit sa akin.  Ramdam kong nagsisimulang manginig ang katawan ko. Natatakot ako. Ayoko sa ganitong sitwasyon. Ayokong napapaligiran ako ng mga hindi kilalang tao. It gives me goosebumps. 

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD