Charissa's Point of view Walang imik sa pagitan naming dalawa ni Rin matapos ang pangyayaring iyon. Wala akong balak na kausapin siya. Kahit naman pagsabihan ko siya ay hindi pa rin siya makikinig sa akin. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang mambully. Ang akala ko ay kahit papaano ay hindi niya kayang gawin iyon sa kabila ng arogante niyang ugali. Hanggang sa makauwi kami ay hindi kami nagkaimikan. Kinabukasan ay hindi niya ako isinabay. Nakita ko na lamang si Dom sa labas ng bahay namin. Ang sabi ay siya na ang maghahatid sa akin. Paika-ika pa ako sa paglalakad habang papalapit kay Dom. Masakit pa rin kasi ang mga paa ko matapos kong mahulong sa pool noong isang araw. Nang makarating kami sa campus ay siya na ang nagbukas ng pintuan ko. Inalalayan na makatayo. Kapansin-

