Charissa's Point of View Kinagabihan, pinauna na akong kumain ni Manang dahil sa hating-gabi pa raw darating sina Tita. Habang sina Kuya Kin ay wala pa rin. Si Kuya Laurence naman ay hindi na nagpaalam pagkatapos niyang kunin ang mga gamit niya. At si Rin? Hindi pa rin bumababa hanggang ngayon. Siguro ay iritado pa rin siya sa akin dahil sa pagpapalutang-lutang ko sa pool. Masakit pa rin ang paa ko pero ininda ko pa rin hanggang sa makatulog. Kinaumagahan... "Oh god!" Late na akong nagising! Dali-dali akong lumabas sa sa kwarto matapos kong ayusin ang sarili ko. Damn! Bakit hindi nila ako ginising?! Napapakagat na lamang ako sa labi habang pababa ng hagdan. Hindi pa kasi magaling ang paa ko. Maliban kasi sa may daplis ay mukhang may dislocated na ugat. "Charissa." Napatingin ako

