Charissa's Point of View Para akong lutang na bumababa sa hagdan. Saturday ngayon kaya walang pasok. Siguro ay mananatili na lamang ako sa silid ko ngayong araw para itulog na lamang 'to. For heaven's sake, hindi ako nakatulog kahapon. Bukod sa dinalaw ako ng insomnia kahapon ay hindi rin mawala-wala ang nakita ko kahapon. Damn! What was that?! It's kind of eww. I mean---Ugh! I don't want to mind about it. Iniisip ko pa lang ay parang namumutla ako. Matapos na umalis si Kuya Kin ay 'saka umalis si Rin sa harap ko. But before that, he said something. "Stay innocent, Cha. You have to stay innocent." "W-why?" hindi ko maiwasang magtanong. Sumilay ang ngisi sa labi niya. Iyong bang makahulugang ngisi? Hindi ko mapigilang mapalunok ng sariling laway. Kinakabahan ako sa simpleng ngisi la

