Charissa's Point of View Tahimik lang kami sa loob ng kotse habang nagmamaneho si Rin. Hanggang ngayon ay napakaseryoso pa rin ng mukha niya. Hindi ko na lang din siya pinansin. Matapos ang sinabi niya sa akin kanina? Never ko talaga siyang papansinin! Never! Matapos niyang dumating kanina ay parang wala na siyang gana. Nilagpasan lang kami ni Dom at sumakay sa kotse. Sumunod naman ako nang tahimik. Bago pa kami umalis ng campus ay nasilayan ko pa ang ngiti ni Dom at ang pagkaway niya sa akin. I don't really get him sometimes. Hindi pala! Madalas ko siyang hindi maintindihan. Tama nga si Kuya Kin. He has mental disorder. Madaling magbago ang mood niya ngunit kadalasan ay galit siya at naiirita. Mas madalas din siyang magsalita ng masasakit na salita. I'm trying to understand him bu

