Charissa's Point of View Wala ako sa sariling nakatingin sa kawalan. Hanggang ngayon ay nagpabalik-balik pa rin sa akin ang sinabi ni Rin. "Sinasabi ko sa iyo ngayon, Charissa. Huwag lalandi sa mismong paningin ko. Pangalan ko ang dinadala mo sa paaralang ito." I sigh. I don't really get him sometimes. Masyado siyang bipolar. I mean, ganu'n ba ang tingin niya sa akin? Lalandi-landi? I'm not that type of girl. Sa totoo lang ay naiinis na ako sa kanya. Kanina pa ako kinakain ng inis ko sa kaniya. Hindi ko naman ginustong magsuot ng ganito. I just don't have a choice but to wear some. "Hey, why nakabusangot ka dyan?" tanong sa akin ni Pat. Agad akong umiling sa kanya. "Wala." "Wait? May something na sinabi sa iyo si Adrian kanina matapos silang umalis, right?" Oo at hindi mo gu

