Charissa's Point of view Ang sakit ng ulo ko nang bumangon ako mula sa pagkakahiga. Taka akong mapatingin sa buong paligid. Nasaan ako? Hindi ako pamilyar sa silid. Paano ako napunta rito? Napatingin ako sa pinto nang magbukas ito. Pumasok ang isang matandang babae na may dalang maliit na planggana na naglalaman ng tubig. Gulat pa ito nang makitang gising na ako. "Gising ka na!" galak na bulalas nito na siyang ikinakunot ng noo ko. "S-Sino ho sila?" takang tanong ko na siyang ikinatigil niya. "Jusmiyo! Huwag mo akong pinaglolokong bata ka! Ako ito, si manang Dolores!" Manang Dolores? Manang Dolores... Muli ay napatingin ako sa buong silid. Tama... Nasa bahay ako ngayon ni tita Adrin at si manang Dolores ay ang kasambahay ng mga Guireno. Bakit ko ba nakalimutan iyon? Ngayon

