Charissa's Point of View "H-Hindi, mali ka ng iniisip. Hinila ako ni Rin sa loob tapos-- Rin?!" Hindi ko na nagawang magpaliwanag nang bumagsak si Rin sa sahig. Mabilis siyang inalalayan ni Song patayo. "Mainit siya," saad nito. Naalala kong nabasa pala siya ng ulan kagabi. Nakainom pa siya. Tapos ngayon ay nakipagbasagan ng ulo. Sinong hindi manghihina? "D-Dalhin natin siya sa clinic." Hindi ko na magawang magpaliwanag kay Song dahil sa pagmamadaling makapunta sa clinic. "Anong nangyari sa kaniya?" agad na bungad ng doctor sa amin matapos naming pumasok sa loob ng clinic. "M-May lagnat po," naiilang na tugon ko. Mabilis naming pinahiga sa kama si Adrian. "Na may pilay," singit ni Song. Rinig ko naman ang pag buntong-hininga ng doctor. "Mr. Guireno, mukhang napapadalas ang pa

