Third Person's Point of View Ilang oras na ang lumilipas ngunit kahit anong gawin ni Chelsea ay hindi pa rin mawala-wala ang inis niya kay Charissa. Ngayon ay naiinis na rin siyang manatili sa pamamahay ng mga Guireno. Makita man lang niya ang kapatid niya sa ama at ang mga pinsan niya na halatang pumapabor dito ay sumasakit na ang mga mata niya. Mukhang napalapit si Charissa sa mga magkakapatid na Guireno. Kung ituring ito sa pamamahay na ito ay parang prinsesa. At iyon ang kinaiinisan niya sa lahat. Mula pa noong mga bata sila ay hindi niya man lang nakasundo ang isa man lang sa magkakapatid. They're always considered her as an antagonist in every stories. Wala naman siyang pakialam doon. The feelings with her cousins were the same. She also hates them. Ni minsan ay hindi niya nagu

