Lanie's Pov: "Mi Amor..." I ignored Jackques call. Muli akong bumalik sa may refrigerator. Binuksan ko iyon pero muli kong isinara dahil hindi ko alam kung ano ang kukunin ko doon. Muli akong naglakad pabalik sa may bintana at tumanaw doon. Hindi pa ako nasiyahan at muling bumalik sa haran ng ref. Hindi ko na nga lang nagawang buksan iyon dahil agad nang nakalapit sa akin si Jackques at hinawakan n'ya ang pintuan ng kawawang ref. "Nagsasayang ka ng kuryente sa ginagawa mo." Sumandal s'ya sa refrigerator. He crossed his arms."Pwede bang kumalma ka muna? Kanina pa ako nahihilo sa pagto-tour mo dito sa loob ng silid mo." Napangiwi ako sa sinabi n'ya. Tinungo ko ang teresa at sumilip mula doon. "Ano bang dahilan at mukhang hindi ka mapakali?" Sinundan n'ya ako at naupo sa isang upuan d

