Nonanette's Pov: Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas mula nang ngumalngal ako sa harapan ni Sage. Wala ding naging reklamo ang lalaki kahit pa nabasa ko na ang dibdib n'ya. Hindi man nawala lahat ng sama ng loob at galit na nararamdaman ko ay kahit paano ay gumaan ang kalooban ko. Matagal din akong umiyak at nanatiling nakayakap lang sa akin ang lalaki na mas nagpakalma sa nararamdaman ko. Hanggang ngayon nga ay bahagya pa din n'yang hinahaplos ang buhok ko kahit na hindi na ako umiiyak. I bit my lower lip. Unti-unting kumilos ako at dumistansya sa lalaki. Agad kong naramdaman ang pamamawis ng kamay ko at maging ang hiya. Hindi ko inaasahang sa dami ng taong sasandalan ko ay kay Sage pa talaga ako nakahanap ng paglalabasan ng sama ng loob. "I'm sorry. Ngayon na nga lang t

