Lanie's Pov: I gasped as I eyed his tattoo on his neck. Muntik pa akong mapasubsob sa lupa para lang hindi n'ya mahalata ang pangmamata ko. Mas itinago ko ang sarili ko sa mga tubo at ni hindi ko magawang makapag-isip nang maayos. Mabilis ang t***k ng puso ko. Pinagpapawisan din ako ng malagkit at ramdam ko ang pagtataasan ng lahat ng mga balahibo ko sa katawan. Bawat himaymay yata ng katawan ko ay nakaramdam ng panganib mula sa Night Owl na nakita. Ramdam ko ang unti-unting pagbangon ng takot sa dibdib ko at hindi ko talaga gusto ang pakiramdam na iyon. Bukod sa hindi pamilyar ay ayokong makaramdam ng takot at hesitation. That's bad luck. Ang Lady killer ang unang Night Owl na nakaharap at nakalaban ko pa. Noong mga oras na iyon ay wala pa akong ideya sa totoong katauhan ng lady kille

