Lanie's Pov: Pagkalampas ko pa lang sa lalaking sinaksak ko sa dibdib ay agad akong napaupo sa lupa. Gumawa pa ng ingay ang mga sanga at tuyong dahon na naupuan ko. Sinubukan kong tumayo pero para talagang naging tila jelly ang mga tuhod ko. Nanlalambot sila at mukhang kailangan ko pa ng kahit ilang segundo para magpahinga at maibalik ang lakas nila. I decided to sat down for a few seconds. Masakit din ang tadyang ko dahil sa pagkakabagsak ko kanina nang sipain ako ng kalaban. Bahagya ko ding tinatapik ang dibdib ko. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa din ang pagkakatapak sa akin doon. Hindi pa bumabalik sa normal ang paghinga ko dahil na din sa lakas ng impact ng paa ng kalaban. Hindi na ako magtataka kung may pasa' ako sa dibdib. Walang emosyong nilingon ko ang bangkay ng huling

