Chapter 22- Metamorphosis

2102 Words

Lanie's Pov: Napatakip na ako sa tenga nang hindi tumigil ang pagpapaputok ng baril ni Yshmael. Sunod-sunod ang naging pagkalabit n'ya sa gatilyo ng baril. Ni hindi na n'ya naisip na kanina pa n'ya napatay ang lalaki at hindi na lang iilang bala ang bumaon sa iba't-ibang parte ng katawan ng pobreng lalaki. Matinding galit ang tangi kong nakikita sa mga mata ni Yshmael. Walang ibang emosyon doon kundi walang pagsidlang poot. Muling gumalaw ang katawan ng lalaking nagtangka sa akin nang tatlong sunod-sunod na bala ang bumaon sa ibabang parte ng katawan n'ya. Bigla akong nakaramdam ng takot. Sobrang takot na higit pa sa naramdaman ko kanina. Parang ibang tao na ang nakikita ko. Tuluyan na s'yang nilamon ng galit at hindi na s'ya ang Yshmael na kilala ko. "Yshmael!" Tawag ng kung sino

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD