DUKE'S P O V Kahit labag sa kalooban ko ay ni- treat ko pa rin ng early lunch ang dalawang kaibigan ko. Nang makita naman ni Mark na seryoso talaga ako ay huminto na s'ya sa pang- aasar sa akin. Naiiling na lamang si Louie sa kalokohan ng kaibigan namin. Mabuti na rin naman at hindi s'ya naki- ayon sa pang- iinis nito sa akin. Iyon nga lamang at makulit talaga si Mark na tila bata, kaya nakaka- pikon din naman. Tahimik lamang kaming kumain kaya napa- hinga ang aking tainga. Iginalang din naman siguro ni Mark ang biyaya ng Panginoon. Ngunit, sini- sigurado kong paglabas namin dito sa restaurant ay aariba na naman ito nang pangangantyaw. Nag- aaya pa nga na sumama sa aking opisina sa Imperial Palace Hotel. Nangatwiran pang hindi pa raw kasi nakikita ang aking office. Akala mo naman big de

