
Chambermaid si Amalia sa isang Luxury and Five Star Hotel. At dahil mga rich and famous ang nagiging customer nila kaya marami rin naman ang nagpapalipad hangin sa kanya na mayayaman. Ngunit hindi n'ya pinapansin ang mga ito dahil ang buong atensyon n'ya ay nasa kanyang pamilya na umaasa sa kan'ya.
Hanggang sa maka-tanggap s'ya ng puting rosas at invitation sa isang Tempted Cruise Ship from her Employer, pero buo pa rin daw ang kanyang sweldo basta samahan n'ya lamang ito sa paglalayag sa barko. Dahil kailangan ng nakababata n'yang kapatid na ma-operahan sa sakit nito sa binti ay sumama s'ya sa kan'yang amo na mag-liwaliw sa iba't ibang bansa. Tuwang- tuwa nga s'ya at nakaka-pasyal na nga naman s'ya ng libre ay may sweldo pa.
Pero hindi naman n'ya akalaing dito pala mamumulat ang kan'yang walang karanasang isipan at katawan sa maka-mundong gawain. Pati na rin ang kan'yang pusong nananahimik ng matagal ay iibig sa lalakeng walang balak mag-seryoso sa buhay.

