AMALIA'S P O V
" Ooooohhhhh! Mmmmmm! It feels so good! "
" Aaaaahhhh! Faster Babe! Yeah! Like that! Deeper Babe! That's it! Yeah! I'm c*****g! "
Huh!? Ano 'yon!? N - Nanay ko po! Bulong ko sa sarili at umiiyak na binilisan ko ang paglalakad sa masikip at madilim na eskinita ng aming lugar. Madaling araw na kasi kaya kung ano - ano tuloy ang naririnig ko. Katatapos lang kasi ng aking duty as a Chambermaid sa isang luxury and Five Star Hotel.
" Oh!? Bakit humahangos ka!? Putlang - putla ka at hinihingal! " nag - aalalang tanong ni Nanay pagpasok ko pa lang sa aming barong - barong na bahay. Nakaupo s'ya sa upuan naming kawayan sa sala at may kaharap na tasa at umuusok na kape sigurado.
" W - Wala po, 'Nay! Mano po. " tanggi ko naman tsaka inabot ang kanan n'yang kamay at dinala sa noo ko. " Ahm! M - May mga aso lang pong naghahabulan sa labas. " kiming tugon ko, kahit habol ko pa rin ang aking hininga.
" Kuhh! Sabihin mo naka - rinig ka na naman ng mga ung0l at hal!ngh!ng d'yan sa labasan! " pagtatama ni Nanay sa narinig ko. Pero hindi ko na lang pinansin, kunwari ay wala akong narinig sa kan'yang sinabi, nag - aalis na kasi ako ng sapatos. Tsaka ko inilagay sa shoe rack.
" Sige po, 'Nay, matutulog na po ako, Antok na antok na po kasi ako, tsaka pagod na pagod. " paalam ko naman at naghikab pa ako kunwari para alam nga n'yang kailangan ko nang matulog.
" Sige na! Matulog ka na at mamaya na lamang tayo mag - uusap pagka - gising mo. " pagtataboy na nito sa akin.
" Opo! " kiming tugon ko naman at tinungo ko muna ang maliit naming kusina para uminom ng tubig, hinihingal pa rin kasi ako tsaka ako dumiretso sa banyo na ilang hakbang mula sa kusina para maghugas ng mukha at toothbrush na rin.
Pagkatapos ay pumasok na ako sa kwarto kong kurtina lamang ang tabing sa pinto. Nagpalit na rin ako ng damit pantulog at tsaka nahiga. Naka - titig lamang naman ako sa bubong naming puro kalawang na pero hindi pa naman nagkakaruon ng butas kaya wala pang mga tumutulo kapag umuulan. Napapagod man sa uri ng trabaho ko pero wala naman akong magagawa.
Isa nga kasi akong Chambermaid sa isang Five Star Hotel. Mula hapon hanggang hatinggabi ang aking duty, ayaw sanang pumayag ni Nanay dahil nga alanganing oras ang aking uwi. Tapos ang dadaanan ko pa nga at laging maraming tambay sa kanto pa lang pagkababa ko ng jeep. Marami pang nag - iinumang mga tambay sa bawat tindahang madaanan ko. Tapos lagi nga akong nakaka - rinig ng nga ung0l at hal!ngh!ng sa mga bahay na dikit - dikit. Mabuti na nga lang at wala namang gumagawa sa akin ng masama sa mga kapitbahay namin. Pero natatakot pa rin ako kahit papaano, may ibubuga naman kasi ako sa itsura pa lang. Matangkad ako at maputi, balingkinitan ang katawan at biniyayaan ng malulusog na d!bd!b. Marami nga ang nagsasabing kahawig ko ang artistang si Lucy Torres na asawa ng tall, dark and handsome na artistang ring si Richard Gomez.
Sa angkin ko ngang ganda kaya nakukuha agad ako sa mga trabahong pinag - a- apply - an ko. Iyon nga lamang ay hanggang Senior High School lamang ang natapos ko sa aking pag - aaral. Kaya hindi ako nalalagay sa madadaling trabaho. Sanggol pa lamang kasi ang bunso namin ay namayapa na ang aming Ama, nasa Elementary naman ako noon. Kaya paglalabada lamang ang alam ng aming Ina para mabuhay kami. Pero noon ngang nakakapag - trabaho na ako ay pinilit ko s'yang huminto na at kami na lamang magkapatid ang kan'yang alagaan.
Kaya ang trabaho ko lamang ngayon sa Hotel ang nakaka - survive sa aming mag - iina. Ang kapatid ko ngang bunso na nasa Junior High School na ay kailangan pang operahan ang kan'yang binti dahil na hit and run no'ng isang linggo. Kaunti pa lang ang naiipon namin para sa operation n'ya. Mabuti na nga lang at malaki ang sweldo ko sa Hotel, kaya natatakot man akong umuwi ng madaling araw ay nagtitiis ako para sa aming tatlo. Hanggang sa dalawin na ako nang antok.
" Ooooohhhhh! Idiin mo pa! Mahal! Sige pa! Malapit na ko! Aaaaahhhh! Bilisan mo! Aaaaahhhh! Uugghhh! Lalabasan na ko! "
" Gggrrrrr! Ang babab0y n'yo! Ang aga - aga! Magpatulog naman kayo! " galit kong sigaw, sa narinig kong mga ung0l at hal!ngh!ng na naman sa aming kapitbahay. " Ang iingay n'yo! Hindi ba pwedeng mag - @na - @na kayong wala kaming maririnig!? Nakita na ninyong mga dalaga at binata ang mga nakatira rito!? " bulyaw ko pa sa katabi namin. Magkatapat kasi ang kwarto nila sa silid namin ng kapatid kong si Arman. Si Nanay kasi ay sa sala na natutulog para raw hindi ako maistorbo dahil nga sa puyat pero noon ay magkatabi kami ni Nanay rito.
Tumahimik naman sila, pero ako ay nawala na ang antok ko. Nang tumingin ako sa labas ay noon pa lamang lumiliwanag sa labas. Napa - sabunot tuloy ako sa aking buhok.
" Anak! Uminom ka na ng kape, h'wag mo na silang pansinin. " malumanay namang tawag ni Nanay sa akin sa labas ng kwarto ko.
" Lalabas na po. " Magalang ko namang tugon, kaya wala akong nagawa kundi bumaba at magsuklay ng buhok habang nakaharap sa salamin sa ibabaw ng aking durabox na cabinet. Naka - simangot ang mukha kong lumabas na nga ako ng silid, tahimik akong pumasok sa banyo para mgbawas ng tubig sa katawan at maghilamos at toothbrush na rin.
" Good morning, kahit hindi naman good. " malumanay kong bati kila Nanay at Arman. Hindi naman sila kumibo dahil alam nilang nagagalit ako.
Nakaka - upo naman ang kapatid ko pero naka - unat ang kan'yang mga paa na nakapatong sa isa pang silya. Nag - excuse letter na lang kami para sa kan'ya sa School kaya naka - home schooling s'ya. May naka - timpla ng kape na para sa akin at pandesal na may palamang peanut butter. Bali apat na oras pa lang ang nagiging tulog ko, tumabi na rin ako nang upo sa kanila at humigop ng mainit na kape.
" Ate!? " atubili pang tawag ni Arman sa akin.
" Hmmm!? " tanong ko, may laman kasing pandesal ang aking bibig.
" Ahm! Tsaka mo na ko pa operahan sa binti, baka pwedeng sa iba na lang tayo tumira. Madalas na kasing mag - away iyang katabi natin na bahay kaya hindi kami nakaka - tulog ni Nanay kahit sa tanghali. " malamlam ang matang paki - usap n'ya, kaya natigilan naman ako sabay tingin kay Nanay. Nagyuko naman s'ya ng ulo.
Nakita ko ngang nanlalalim ang gilid ng mga mata ng aming Ina. Kaya naawa naman ako.
" Sige! Magtatanong ako sa office namin kung may housing loan kahit maliit lang pero tahimik ang paligid. " pilit ang ngiting tugon ko, umaliwalas naman ang mukha ng aking kapatid.
" Talaga po, Ate!? " excited na ulit nitong tanong, tumango naman ako at tipid ngumiti. " Salamat po, Ate! " bulalas n'ya, niyakap pa n'ya ako mula sa tagiliran.
Hindi na ako kumibo at humigop na lang ng kape para mawala ang pagbabara ng lalamunan ko. Hindi na rin ako maka - tingin sa aming Ina, dahil alam naman n'ya ang sitwasyon namin. Sa operation nga lang ni Arman ay kulang na kulang ang sweldo ko, pambili pa kaya ng bahay at lupa? Unless gagawa ako ng labag sa aking prinsipyo at paniniwala?