THIRD PERSON P O V
" Grabe! Amy! Bakit ayaw mo namang pansinin si Jeremy! " sita ni Leeza sa akin.
" Mainam na 'yong alam na n'ya habang maaga pa na wala na s'yang aasahan sa akin. " prangka naman n'yang tugon, nakita naman n'yang sumimangot ang kan'yang kausap.
Nandito kasi sila sa kanilang locker at kumakain ng dinner. Free food ng hotel, break time kasi nila kaya nakapag - kwentuhan sila. Nagbibigay kasi ng bulaklak at chocolate iyong pobre ay hindi n'ya kinuha kanina. Hindi lamang naman ang co - workers nila ang nagpapalipad hangin sa kan'ya, pati na rin iyong ibang nagiging Customer nila pero hindi sila pumapasa sa pihikang puso ni Amy o Amalia.
" Hindi mo man lang binigyan ng chance iyong tao. " paninisi pa nito, kaya huminga lamang s'ya ng malalim. " Ayaw mo no'n, may maghahatid na sa'yo hanggang sa bahay n'yo pagkatapos ng out Natin? "
" Kaya ko pa namang umuwi na mag - isa, h'wag lang akong makaka - rinig ng mga hal!nghing at ungOl. " katwiran n'ya pa, alam naman kasi nito ang nangyayari kay Amy, ito lamang naman ang naka - close n'ya sa mga kasamahan nilang staff at crew ng hotel.
" Sige! Mamaya kapag nagkita ulit kami, sasabihin ko sa kan'yang ikaw naman ang ligawan n'ya! " sambit ni Amy sabay inom ng tubig.
" Uy! Wala akong sinasabing ganyan! Naaawa lang ako do'n sa tao! " natataranta naman nitong tugon kaya natatawa na naiiling na lamang si Amy.
Namumula kasi ang magkabilang pisngi nito, na tila nahihiya kaya nahinuha n'yang si Leeza ang may gusto kay Jeremy.
" Punta lang akong restroom. " paalam n'ya para hindi na ito ma - awkward sa kan'ya dahil sa pagkaka - prangka n'ya sa kaibigan.
Tumango naman ito, kaya nagmamadali na akong pumasok ng banyo. Sinadya ko talagang tagalan sa loob ng banyo para hindi na namin mapag - usapan ang tungkol sa lalakeng nagkaka - gusto sa akin na nagugustuhan naman n'ya.
Sakto ngang paglabas n'ya ng banyo ay s'yang oras na ng kanilang work. Kaya tahimik na lamang silang bumalik sa kani - kanilang mga trabaho. Magka - iba pa kasi sila ng floor kung saan sila naka - assign.
Hindi naman nagtagal ay busy na sila sa pagpalit ng bedsheet ng mga kama, depende sa request ng customer. Naka - tutok pa rin s'ya sa trabaho nang ipatawag si Amy ng kanilang Manager. Kahit naguguluhan ay sumunod na lamang s'ya, kahit na wala naman s'yang ginagawang violations ng hotel.
" Good evening po, Ma'am! " kiming bati n'ya pagpasok sa private office ng Manager nga nila.
" Good Evening, Amy, ahm! Actually si Mrs. Wong ang nagpapa - tawag sa'yo, sinabi lamang n'yang samahan kita pagpunta sa kan'yang opisina. " ganting bati nito sabay explain, kaya mas lalo naman akong kinabahan. Hindi naman kasi ito nagpapa - tawag ng staff ng basta - basta lang, siguradong importante ang sadya o may kasalanang mabigat na ginawa.
Tumayo na ito mula sa swivel chair at nauna pansa kan'yang lumabas ng opisina n'ya. Hindi naman malaman ni Amy ang gagawin, nahiya naman na s'yang magtanong sa kanilang Manager kung bakit kakausapin s'ya ng may ari ng hotel na kanilang pinagta - trabahuhan.
Hindi na nga n'ya namalayang naka - pasok na pala sila sa maranyang opisina ng kanilang Amo. Ngayon lamang s'ya napasok ruon, kaya manghang - mangha s'ya sa ganda nito. Makikita kasi ang magandang view ng isang kilalang Park sa lugar na 'yon mula sa fifth floor ng opisina nito. Dahil puro salamin ang wall ng kan'yang office.
" G - Good evening po, M - Ms. Wong! " pautal n'yang bati dahil sa nerbyos. Kanina no pa nga masakit ang kan'yang mga daliri sa kamay dahil sa pagpisil - pisil n'ya.
" Good Evening, too, Amy. " seryosong tugon nito, kaya halos mangiyak - ngiyak na s'ya dahil sa lakas ng kabog ng kan'yang dibdib sa takot. Wala pa mang sinasabi ang kan'yang kaharap pero naiisip na n'ya kung saan s'ya naghahanap ulit ng trabaho. Paano na ang operation ng kan'yang kapatid sa binti at ang hiling nitong makalipat sila ng ibang bahay? " Joyce! You can leave now. " utos na nito sa Manager.
" Sige po, Ms. Wong, " paalam nito sa Amo at yumuko pa sandali, " Maiwanan na kita rito, Amy. " baling naman nito sa kan'ya, yuko lang din ang itinugon n'ya dahil dinig na dinig kasi n'ya ang lakas ng kabog ng kan'yang dibdib. Tsaka feeling n'ya ay kapag nag - salita s'ya ay tuluyan nang babagsak ang kan'yang mga luha.
" You can sit down, Amy. " seryoso pero magiliw nitong utos, huminga muna ng malalim ang inutusan bago ito umupo sa silyang nasa harapan ng kan'yang elegant office table.
Noon naman nalaman ni Amy na nanginginig na pala ang kan'yang tuhod sa nerbyos.
" Hindi na ako magpapaligoy - ligoy pa, Ibibigay ko lamang ito sa iyo. " kiming wika nito sabay patong ng isang white roses at gold envelope sa ibabaw ng office table nito.
Kaya ruon natutok ang atensyon ni Amy, gusto tuloy n'yang tumawa at umiyak at the same time. Kung saan - saan na kasi nakarating ang kan'yang pag - o- overthink. Bibigyan lang pala s'ya ng white rose at gold envelope.
Naka - ilang hugot muna s'ya ng buntong hininga bago magsalita at kinurap - kurap pa ang kan'yang nga mata sa pagpigil na tumulo ng kan'yang mga luha. " P - Para po saan iyan, Ms. Wong? " kiming tanong din n'ya
" This is an invitation for a cruise ship. " explained n'ya, mataman lang naman akong naka - titig sa kan'ya na nagtatanong. Ano naman kasi ang kinalaman n'ya sa tinutukoy nito.
" Ahm! Gusto ko kasing sumakay ng Cruise eh, wala akong kasamahan, boring naman kung mag - Isa lang ako. " pagak pa nitong tawa, nakikinig lang din si Amy sa iba pa n'yang sasabihin. " Out of the country rin kasi ang mga freinds ko, kaya naisip kong ayain kita bilang aking kasamahan habang nasa cruise. " pagtatapat na nito, napa - nganga naman ang kan'yang kausap.
Ilang minuto rin silang naging tahimik bago nakuhang magtanong ni Amy. " B - Bakit po ako? W - Wala pa nga po a - akong passport at wala rin po a - akong p - parang dadalin sa pag - alis. Kailangan pa nga pong operahan ang binti ng kapatid ko. Iyon po muna Ma'am ang importante sa amin. Ayos lang po ako kung hindi po ako nakaka - pamasyal. " mahaba n'yang litanya.
Kaya nangingiti na naiiling na lamang ang kan'yang amo, " Sabi ko nga, wala akong kasamahan habang nasa cruise, kaya gusto kong samahan mo ako. don't you worry. Ako na ang bahala sa passport at pocket money mo. " explained pa nito
" Eh, bakit po ako Ma'am? Sayang po kasi ang magiging sweldo ko rito, pang - dagdag na rin po kasi iyon sa pampa - opera ng kapatid ko. " pag - amin naman n'ya sa totoong kalagayan ng kanilang pamilya.
" Ikaw lang kasi ang alam kong hindi sasamantalahin ang pagkakataong ito. " pilit ang ngiting tugon naman nito, " Ibang klase kasi itong Cruise na pupuntahan ko sana, mga Billionaire at VVIP lamang ang pwedeng sumakay rito. At by invitation lang, kapag wala nito ay hindi ka pwedeng sumakay sa kanilang barko. " mahabang paliwanag naman n'ya
" Salamat po , Ma'am kung ako ang naisip n'yong isama. " kiming tugon naman n'ya at pilit pa s'yang ngumiti. " Wala pa po kasi ako talagang passport at importante po Kasi ang sweldo ko po talaga rito. "
" Pwede naman kitang ipakuha ang passport, excited din kasi akong sumakay rito sa Tempted Cruise kaya sabihin mo lamang kung ano ang gusto mo at ibibigay ko. Samahan mo lamang ako sa pag - explore ng sikat na Cruise na iyon. Curious kasi talaga ako kung ano ba ang mayruon sa loob niyon at marami ang sumasakay. " pagbibigay pa nito ng pabor sa kan'ya, napansin din n'yang excited ito sa gagawin.
Pero hindi naman naka - ligtas sa pandinig ni Amy ang sinabi nitong hilingin n'ya kung ano ang gusto n'ya para samahan lamang ito sa pagsakay ng Tempted Cruise. Naisip tuloy n'yang iba talaga ang problema ng mayayaman kaysa sa mahihirap.
" I - Iyon pong sinabi n'yong s - sabihin ko po kung ano nag gusto ko? Basta po sasamahan ko lang kayo? " nagdadalawang isip pa n'yang tanong pero nilakasan na lamang n'ya ang loob para lamang maka - sigurado.
" Yes! Bilang kabayaran sa pagsama mo sa akin dahil hindi ka nga mkakapag - trabaho ay sabihin mo lamang kung ano ang gusto mo, ibibigay ko! Kahit ang operation ng kapatid mo, bukas na bukas rin ipapa - ayos ko sa akinh secretary. " desidido talaga itong isama s'ya kahit sobra - sobra na ang gagawin nito kaysa sa kan'yang totoong sweldo.
Kaya napa - nganga na lamang si Amy sa kan'yang narinig, dahil sa wakas ay makakalakad na ulit ang kan'yang kapatid after ng operation. Ano pa ba naman ang hahanapin n'ya? Makaka - punta pa s'ya ng ibang bansa na libre rin.
" Ahm! Ma'am! Pwede po bang pag - isipan ko po muna? " naka - ngiwing tanong n'ya, kaya mahina lamang natawa ang kan'yang kaharap.
Mas bumata tuloy itong tingnan dahil sa ginawang pagtawa. Pagpasok pa lamang kaso n'ya sa office nito ay seryoso na ang kan'yang mukha.
" Sure! sure! No problem! " tumango - tango pa ito habang nagsasalita. " Kailan ko naman malalaman ang desisyon mo? Pwede rin nating i - secret itong ating deal. Here's my calling card. " pahayag pa n'ya sabay abot ng kapirasong papel sa kan'ya.
" Sige po Ma'am! " kinuha na n'ya iyong maliit na card, " Pwede na po ba akong lumabas? " tanong n'ya pero nakatayo na s'ya.
" Sige! Sige! Hihintayin ko na lamang ang iyong tawag. " tipid ang ngiting tugon pa nito, tumango naman si Amy at lumabas na ng opisina.
Habang pabalik naman si Amy sa kan'yang trabaho ay hindi pa rin s'ya makapaniwala sa naging usapan nila ng Amo. Kung wala lang tumawag na Customer ay baka hanggang ngayon ay naka - tulala pa rin s'ya.