DUKE'S P O V Nagiging at ease na sana kami sa isa't isa ni Amy, nagbibiruan pa nga kami at laking tuwa ko dahil malapit ko na sanang itanong kung may pagtingin din ba s'ya sa akin o wala. Dahil matagal na rin ang panliligaw ko, actually, ilang buwan na rin naman. Kaya hindi naman na siguro nakakahiya kung magtatanong ako. Lahat naman ng gusto n'ya at sinusunod ko, gaya ng, iyong civil kami kapag nasa Imperial Palace Hotel. Wala pang nakaka- alam sa mga staff and crew. Pati na ang pagsundo ko sa kan'ya sa madaling araw. Lihim na lihim talaga ang panliligaw ko. Mixed emotion nga ang nararamdaman ko noon, nerbyos at excitement ngunit, nawala bigla nang tumawag si Louie at pina papunta ako sa isa sa mga pag- aari nilang Ospital. Kaya kahit labag sa aking kalooban na iwanan muna si Amy ay wala

