Chapter 23 Naglalakad papasok ng airport si Logan kasama ang bodyguard nito na si Mark. Dumiretso sila sa naghihintay niyang eroplano para maghatid sa kanila sa China. "Good morning, Sir!" Bati sa kanya ng mga ibang empleyadong nakakasalubong. Nilingon niya lamang ang mga ito saka nagpatuloy sa paglalakad. Napansin ni Logan na tumigil si Mark at may kinausap sa phone nito. Pinabayaan niya ito at na una ng umakyat sa eroplano. "Boss, kanina pa raw kayo tinatawagan ni Gilbert. Hindi niyo raw po sinasagot ang tawag niya," habol na sabi nito habang papaakyat siya sa hagdan. Pagkasabi nu'n ni Mark ay kinuha niya sa bulsa ng kanyang suit ang cellphone. Tiningnan niya ito at may anim na miscalls nga siya mula kay Gilbert. Tinawagan niya agad ito. "Boss," sabi nito pagkasagot sa kanyang taw

