Chapter 22 Naramdaman ni Rian na may humahaplos sa kanyang mukha. Napadilat siya. Nakita niya ang guwapong mukha ng nobyo na titig na titig sa kanya. Nakahiga ito sa kanyang tabi. Babangon na sana siya nang pigilan siya nito. "Stay," sabay yakap nito sa kanya. "Babe, baka naghihintay na sa atin sa baba ang mga magulang mo. Nakakahiya," sagot niya rito. "It still 6:00 p.m, baby, so early for dinner and besides, mom not yet finish to cook," mas lalo lamang isiniksik nito ang mukha sa kanyang leeg. Nakikiliti si Rian sa hininga nito na tumatama sa kanyang leeg. Naramdaman niya ang kakaibang pakiramdam sa kanyang puson, sinamahan pa ng pag-iinit ng kanyang katawan. Lalo pa't ang mga kamay nito ay humahaplos sa kanyang tiyan. "Babe, stop it," sabay hawak niya sa kamay nito para pigilan it

