Chapter 21 "Wow! Ang bango naman ng niluluto niyo, Manang!" Sigaw niya habang pababa pa lamang siya sa kanilang hagdan. Nang tuluyan siyang nakababa, agad niyang tinakbo ang kanilang dining area. Pagkakita niya pa lang sa pagkain, naglalaway na agad siya. Humila siya ng upuan at dali-daling umupo at nagsandok ng pagkain. "Thank you po, Manang! Samahan niyo na po ako at ikaw din, Ate Lia?" Sabi niya habang kumakain. "Tapos na kami, Rian. Alam mo ba kung sinong nagluto niyan?" Nakangiti na sabi sa kanya ni Manang Lourdes. "Hindi po ba kayo, Manang?" Nakita niyang umiling ito na nakangiti. "Uh! Ikaw ba, Ate Lia?" Umiling din ito. "E, sino?" "Si Sir Logan po, Ma'am Rian!!! Ehhh!!" Kinikilig pa na sabi ni Lia. "Hoy! Lia, tumigil ka nga diyan. Para kang buntot ng butiki na naputol. Mahi

