Chapter 18 Habang nasa biyahe tahimik lamang sina Rian at Logan. Nagpapakiramdaman. Walang gustong ma una magsalita. Gusto ni Rian na ito ang unang makipag-usap sa kanya. Tunog ng cellphone nito ang bumasag sa nakakabinging katahimikan. Nilingon niya ang katabi nang hindi pa rin sinasagot nito ang nag-riring na cellphone. "Hindi mo ba sasagutin 'yan?" Nang wala siyang makuhang sagot rito tinapik niya ang balikat nito. "Logan!" "Yes, baby!" Gulat na sabi nito. Bakit ganito ito? "Sabi ko, wala ka bang balak na sagutin 'yang tumatawag sa'yo? Kanina pa 'yan ring ng ring baka importante 'yan." Agad na dinampot nito ang cellphone saka tinignan. Biglang nagbago ang expression ng mukha nito. Nakakunot noo at natagis ang mga bagang. Kapag ganito ito, galit na ito. "Sino 'yun?" "Nothing.

