Chapter 8

3386 Words
Chapter 8 Walang ganang nakikinig si Rian s idini-discuss ng kanilang professor. Kahit anong pilit niyang pakikinig ng mabuti, intindihin lahat ng tinuturo sa kanila, wala pa rin pumapasok sa utak niya. Hanggang sa natapos na lamang ang klase nila sa araw na ito, wala pa rin siya sa katinuan. Kung saan-saan lumilipad ang isip niya. Nag-uusap ang kanyang mga kaibigan sa kanyang harapan. Nakikinig siya, ngunit wala sa mga ito ang kanyang atensiyon. "Teka lang, uh. Sissy Rian, ano ba'ng nangyari sa'yo? Kanina ka pa tahimik, uh? Nakikinig ka nga pero parang wala naman sa amin 'yang isip mo." Kunot noo na sabi ni Isabella. "Sissy, may problema ba? Sabihin mo lang, baka makatulong kami sa'yo?" Nag-alalang tanong din sa kanya ni Naveen. Pilit siyang ngumiti sa mga ito. "Wala akong problema, Sissies." Tugon niya. "Kung wala, ba't ganyan ang hitsura mo?" Mika. Tiningnan niya mga ito. Nagdadalawang isip kong sasabihin nga ba niya ang gumugulo sa kanyang isipan. Bumuntong hininga siya. "Ai, mukhang alam ko na 'yan!" Agarang tugon ni Isabella. Binalingan niya ito.. "Tungkol ba 'yan doon sa pinagtapat sayo ni Quinn, sissy?" Nang sinabi niya sa mga kaibigan na nagtapat sa kanya si Quinn, hindi man lang niya kinakitaan ng pagkagulat ang mga 'to. Alam na daw kasi nila na noon pa man ay may gusto na si Quinn sa kanya. Hinintay lamang nila na ito mismo ang magtapat sa kanya. Sa katunayan hindi na inisip ni Rian ang ipinagtapat nito. Sa ilang araw na nakalipas mula noong nagtapat sa kanya ang kaibigan, pinabayaan na lang niya 'yon. Araw-araw nagpapadala 'to ng mga bulaklak sa kanya. Tumatawag. Nangungumusta. Nagpaalam 'to kahapon sa kanya na may aasikasuhin raw muna ito. Ito raw kasi ang architect sa pinapatayo nilang negosyo ng mga kaibigan. Hindi naman kasi si Quinn ang umuukopa ng kanyang isip ngayon. "Ayan na naman po tayo. Tulaley na naman,"iiling-iling na wika ni Mika. Talagang naghihintay ang kanyang mga kaibigan sa kung anuman ang kanyang sasabihin. Napabuntong hininga siya ulit bago nagsalita. "Naguguluhan kasi ako, e." Nahihiya niyang sabi sa mga ito. "For what?" Naveen "Uhm. Kasi naiinis ako." Nilalaro niya ang ballpen niya sa kanyang kamay habang nagsasalita. "Damn it, sissy! Bitinin mo pa kami, sige. Naguguluhan, naiinis, ano pa? Baka may kulang pa." Naiiritang saad sa kanya ni Naveen. "At nagmamahal," singit ni Isabella na seryusong nakatingin sa kanya. Kilala niya ang mga titig nitong ganito. Nanunuri na para bang pinag-aaralan siya. Tumatawa si Mika sa sinabi ni Isabella. " Sumasabay kaba sa uso ngayon, sissy? Nagmamahal tala--." Napatigil naman bigla ito at tumingin kina Isabella at Naveen na seryusong nakatingin pa rin sa kanya "Wait. Don't tell me, mahal mo na siya?" Agad nitong sabi sabay harap sa kanya. "Naguguluhan ako, sissies. Naiinis ako, pero na mimiss ko naman."Dalawang linggo ng hindi nagpapakita sa kanya si Logan. Hindi niya alam kong saang lupalop ng mundo 'to nagpunta. "Wala bang sinasabi siya sa'yo?" Isabella. "Tumatawag naman siya. Nagtatanong kung nasaan ako, sino'ng kasama ko at kung ano ang ginagawa ko. Pero, kapag ako na ang nagtatanong kung nasaan siya? Hindi naman niya ako sinasagot. Lagi lang nito sinasabi na nasa malayo ito. Alam niyo 'yun, nakakainis lang. Malay ko ba kung mayroon ng nilalanding mga babae ang hudas na 'yun. O, baka nga kinakama pa gabi-gabi. Naku! Humanda talaga sa akin 'yon! Aalisan ko talaga siya ng kaligayahan!" Nanggigil niyang saad. "Sige sige, sali ako d'yan!" Panggagatong sa kanya ni Mika. "Gaga!" At binatukan ni Isabella ito, na siyang ikinanguso ng huli. Kahit hindi man deriktang sabihin ni Rian ang nararamdaman nito sa mga kaibigan, alam ng mga ito na unti-unti ng nahuhulog ang loob ng dalaga kay Logan. Ika nga nila, tulak ng dibdib kabig ng bibig. "God! You're in love, sissy," kinikilig na hiyaw ni Mika. "In love na agad? Hindi ba puwedeng naiinis ka lang dahil kung siya makapagsabi sa'yo, akala mo kung sino, pero kung ikaw na, binabaliwala ka lang." Pagpapaliwanag nito sa mga kaibigan. "Talaga lang, uh! E, ano 'yung na mimiss mo? At ba't naghihimutok ka diyan? Anong pakialam mo kung may mga babae man siyang nilalandi or ka s*x?" Naninigkit na mga mata na wika ni Naveen. Ayaw pa rin magpaawat ng mga ito. "Oh, sige nga. Kung kayo ang nasa position ko, baliwala lang ba sa inyo kung malaman niyo na may ibang babaeng katalik ang lalaking inaangkin kang pag-aari niya?" "Yes." "Oo naman." Naveen. Sabay-sabay na sagot ng mga kaibigan niya. "If you don't have any feelings for him, yes. Even if he said that he owns you it doesn't mean, you have the right to get jealous." Isabella. "Why him? Wala rin naman siyang karapatan sa akin, pero bakit ganun-ganun na lang kung makapag bawal at nagagalit siya." Hindi puwede na siya ang magiging dihado sa kung anumang meron sila ni Logan. "Aist! Maganda ka nga, manhid naman." Mika "What!? At bakit ako naging manhid?" "Ai, sus! Hindi lang pala manhid, tanga din. Waley ka pala, sissy, e. Paminsan-minsan pairalin mo rin yang puso mo para sa pag-ibig. Baka sakali makita mo kung gaano karaming mga lalaki ang nakakandarapa sa'yo," natatawang saad ni Isabella sa kanya. "Hindi dahil sa pag-aari ka niya, kaya siya may karapatan sa'yo................kundi dahil mahal ka niya. Ganito 'yan, sissy, kahit sabihin pa niyang pagmamay-ari ka niya pero kung walang feelings na involve doon, hindi siya magseselos sa mga lalake na lumalapit sa'yo, walang bawalan na mangyayari sa kung anuman ang gagawin mo. Dahil nga hindi ka niya mahal, na wala ka lang sa kanya kahit pa ilang ulit niya lagi sabihin sa'yo na kanya ka lang. Gets mo? Katulad lang din 'yan sa iyo, e. Aminin mo man sa amin ngayon o hindi, pareho lang kayo ng nararamdaman. Mahal mo siya, sissy, kaya mo 'yan nararamdaman ngayon. Nagseselos ka at nag-aalala dahil natatakot ka na baka niloloko ka lang niya, na baka pinaglalaruan ka lang niya, na baka iwan ka lang niya ere, na baka masaktan ka lang dahil sa pagmamahal mo sa kanya," pagpapaliwanag at pagpapaintindi nito. "Paano ka naman nakakasiguro na mahal nga niya ako? Ni wala nga siyang sinasabi sa akin e," nakabusangot niyang sagot. Ayaw niyang maniwala sa sinasabi nito na mahal nga siya ni Logan, hanggat hindi ang lalake ang magsasabi sa kanya. Ayaw niyang mag-assume dahil baka masaktan lang siya sa huli. "Well, sa ngayon wala pa, pero nasisiguro ko sa'yo, sissy, mahal ka nu'n, hindi niya pa nga lang alam na mahal kana pala niya." Natatawa, anito. See? E, baka nga ang kaibigan niya lang ang nag-aasume na mahal siya ng lalake. Na baka hindi totoo ang nakikita nito. Malay din ba niya na baka pinag-tritripan lang siya ng mga gaga. "Alam niyo," turo niya sa tatlo, "tigilan niyo ako. Kung anu-ano na lang ang pinagsasabi ninyo. Mabuti pang umuwi na lang tayo. Pagod lang niyan, sissies." Tumayo siya sabay ligpit ng kanyang mga gamit. "Asus! Aminin mo, sissy, kinikilig ka, noh! Noh!" Kantiyaw naman ni Mika sa kanya. Mga gaga talaga! "Siguro tulad din ni Logan, nanibago pa kayo sa mga nararamdaman niny, kaya hindi niyo masabi sa mga sarili na mahal niyo na nga ang isa't-isa," patuloy nito. Bahala mga ito. Isipin na nito kung ano ang gusto ng mga itong isipin basta siya, hindi niya hahayaan na masaktan siya ng hudad na 'yon. Nag makauwi sa bahay, agad dumeritso si Rian sa loob ng kanyang silid. Nakadipa siyang humiga sa kama habang nakatingin sa puti niyang kisame. Hindi maialis sa kanyang isipan ang sinabi ng mga kaibigan kanina. Mas nangibabaw sa kanya ngayon ang takot. Takot sa posibling mangyari sa kanila ni Logan. Sa kung ano mang meron sila ngayon. Naalala pa niya ang huling sinabi ni Isabella sa kanya na mas ikinatatakot niya. "Huwag mong pigilan kung ano man iyang nararamdaman mo, sissy. Masarap kaya magmahal at mahalin. Masaktan na kung masaktan, at least naranasan mong magmahal. Kapag nagmahal ka katumbas nu'n ang masaktan ka. Walang nagmahal na puro saya't kilig lang ang nararamdaman. Minsan kailangang subukin ang isang relasyon, para malaman kung gaano nga ba kayo katatag sa isa't-is." "Parang ganun lang kadali, uh," aniya, sa sarili. Bumangon si Rian at tinungo ang walk-in-closet. Ililigo na lang niya sa pool ang mga iniisip na nakakapagpagaba. Kinuha niya ang kulay pulang bikini at nagbihis. Nakakaginhawa ang hatid sa kanya ng malamig tubig. Ninamnam niya iyon. Mahigit kalahating oras din ang ginugol ni Rian sa paliligo, paglangoy paroon parito. Nang makaramdam na ng pagod, umahon na siya. Pagpasok niya sa loob ng bahay, ang ina ang bumungad sa kanya. Nakaupo ito sa sofa ng kanilang living room, nakasandig ang ulo nito sa headrest at hinihilot ang sentido. "Hi, Mom! Tired?" Sabay halik niya rito. Hello, sweety! Just a bit, nagkaroon lang ng kaunting problema sa opisina," sagot nito na nanatilng nakapikit at patuloy sa paghihilot. Mukhang ngang pagod talaga ito. "You want me to massage you, Mom?" Alok niya. Kahit papano ay alam niya kung paano magmasahe dahil tinuruan siya ni Manang. Nagmulat ito at binalingan siya. "No need, sweety. Thank you!" "Okay, Mom. Aakyat muna ako para magbanlaw." Paalam niya sa ina. Papaakyat na si Rian nang marinig niya ang tawag sa kanya ng ina. "Sweety, wait!" Napahinto siya at bumaling rito. "Why, Mom?" Napabuntong hininga ito at bakas sa mukha ang lungkot. Nagtataka siya. May problema ba ang mga magulang niya? "Rian, aalis kami bukas ng daddy mo papuntang Miami. May aayusin lang kami doon. Babalik agad kami kapag naayos na ang dapat naming ayusin, sweety." May pag-aalala sa boses nito. Nakahinga siya ng maluwag. Akala niya kung ano na. Ngumiti siya sa ina upang ipakita rito na okay lang sa kanya, na walang dapat itong ipag-alala kahit maiwan siya dito. "Okay, mom. Don't worry about me, okay? I can hadle myself. Remember, I'm your daughter," sabay kindat niya rito. Lumapit ito sa kanya at niyakap siya. Kahit madalas na mag-out of the country ang mga magulang niya, lagi pa rin itong ganito sa tuwing iniiwan siya. Para bang labag sa kalooban nito. Naalala niya pa noong nasa elementarya siya, lagi nito sinasabi sa kanya na hindi nito gagawin kung paano ito pinalaki ng mga magulang. Na halos ang nakatatandang kapatid na nito ang tumayong ina dahil sa palaging abala sa pagtatrabaho at pag-alis ng bansa ng mga magulang. Kaya siguro ganito ang ina niya sa tuwing aalis. Pakiramdam nito ay tulad lang din ito ng mga magulang. Ngunit, para sa kanya? Wala siyang hinanakit o kahit sama ng loob rito. Naiinitindihan niya ito. Oo, may responsibilidad ito bilang kanyang ina pero may mas malaking responsibilidad din ito sa mga tauhan na mas nangangailangan rito. Hindi niya kayang maging makasarili habang may mga pamilya na umaasa sa bawat tauhan na naglilingkod sa kanilang kompanya. Kapag narito naman ito, hindi ito nagkukulang sa kanya sa pagpaparamdam kung gaano siya kamahal at kahalaga. "Take care of yourself always, sweety, huh! Just call us if you have a problem here,"anito habang yakap siya. Hinimas niya ang likod nito. "I will, Mom. You too, take care of both of you. I love you both, remember that," saka niya hinalikan sa pisngi ang ina. Kahit pa man hindi sila magkakasama nito palagi, sa puso niya ay naroon lamang ang mga ito. Kailanman, hindi magbabago ang pagmamahal niya sa mga magulang. Kahit pa siguro mawala ang kanyang alaala, maalaala pa rin ito ng kanyang puso. Pinalaki siya ng maayos ng mga ito, na may takot sa Diyos at paggalang sa kapwa. Kaya naman, ganoon na lamang ang pagmamahal niya sa mga ito. Madaling araw ang flight ng kanyang mga magulang papuntang Miami. Gusto sana niyang sumama sa paghatid, ngunit ayaw pumayag ng kanyang ama. Dito na lang daw siya at baka mag-iiyakan na naman daw sila ng ina doon. Pagka-upo ni Rian sa hapag kainan, hindi niya maiwasan na 'di bumaling sa upuan ng mga magulang. Nalulungkot siya. Na miss niya agad ang mga ito. Mag-isa na naman siyang kakain sa araw-araw. Sana lang maayos agad ng mga magulang ang problema ng kanilang kompanya doon nang sa ganun makauwi agad ang mga ito. "Oh! Napano na naman 'yan? Ba't parang byernes santo ang mukha niyan?" Dinig ni Rian na tanong ni Isabella sa dalawa nilang kaibigan. Kakarating lang nito. Nandito sila ngayon sa quadriangle, nakaupo habang pinapanood ang mga nag-eensayong football players. "Ayaw sabihin, e. Kanina pa nga namin tinatanon," sagot rito ni Mika. "Si Logan na naman ba 'yan, sissy?" Panghuhula ni Naveen. Umupo sa tabi niya si Isabella. Naramdaman niya ang nannuri na naman nitong mga titig. Nalulungkot pa rin talaga siya sa pag-alis ng mga magulang. Alam niya kasi na may kinakaharap ang kompanya nila kaya mas lalo nakapagbigay ng alalahin iyon sa kanya. "My parents flew to Miami just this morning, sissies," malungkot, aniya. "Oh!" Sabay-sabay na utas ng mga kaibigan. "Ehem! Hi girls!" Sabay napalingon ang mga magkakaibigan sa nagsalita. "Doc Steven!" Sigaw ni Isabella at Mika pagkakita sa lalake. Habang sina Rian at Naveen ay tahimik lamang na nakatanaw. "Mukhang seryuso ata ang pinag-uusapan ninyo, uh? Kanina ko pa kayo pinapanuod sa malayo." Nakangiting saad nito. Lumabas tuloy ang dalawang biloy nito na nakadagdag sa ka gwapuhan nito. "Ito kasing kaibigan namin e." Sabay tingin ni Isabella kay Rian. "What happened, Rian?" Lumapit naman agad si Steven kay Rian. "Hahai! Isa pa 'yan," bubulong ni Mika na narinig ng mga kaibigan at ni Steven. Tumingin ang mga kasama rito. "Why, Mika?" Nagtatakang tanong ni Steven. Hindi lingid kay Mika ang pagtingin ng kaibigan na si Naveen sa lalaking kaharap. At hindi alam ng iba nitong kaibigan na sina Isabella at Rian iyon. Nalaman nito nang aksedinte nitong nakita ang picture ng lalake sa laptop ni Naveen. Hindi nito pinaalam sa dalawa dahil sa panliligaw ni Steven kay Rian. "Wala, sabi ko ang gwapo mo, doc." Nakangiti nitong sagot na para pang kinikilig. "Long time no see, Steve. Tatlong buwan ka rin na kulong sa ospital, uh!" pag-iiba ni Rian sa usapan. "Yeah. Kaya nga dumiritso agad ako dito para makita ka," sabay hawak nito sa kanyang kamay. Sa lahat ng nanliligaw sa kanya, ito ang pinakamasugid. Kahit deritsahan na niyang sinabihan ito na ayaw pa niyang magpaligaw at wala pa siyang balak magkanobyo, ito ang tanging hindi sumuko. Kung pa gwapuhan lamang ang pag-uusapan hindi magpapahuli ito. Mabait din at galing sa mayamang pamilya. Sa katunayan, nagmamay-ari ang pamilya nito ng mga ospital sa bansa. Kaya hindi na nakapagtataka kung ang larangan ng pagmemedisina ang kinuha nito. "We need to go. Take your time, doc, alam namin na miss mo sissy namin. Bye!" Paalam ng kanyang mga kaibigan at iniwan silang dalawa ni Steven. "Dayen! Come inside now and bring the contract!!" Inis na tawag ni Logan sa sekretarya niya at binaba agad ang telepono. Tok! Tok! Tok! "Sir, ito na po," sabay abot ni Dayen sa isang brown folder ng nakayuko. "Okay. You may go out now," saad niya na hindi nakatingin rito. Gusto na niya matapos ang pinipirmahan niyang mga papeles at ang iba pa niyang gagawin para maka-uwi na sa Pilipinas. He missed her a lot. He's not satisfied to see her in cctv. He wants to hug, kiss and touch her. Para ng siyang mababaliw sa kakaisip kay Abrianna. Ano kaya iniisip nito ngayon, na hindi niya sinabi rito kung nasaan talaga siya? "Ma'am, hindi po talaga kasi pwed--." Dinig ni Logan pagkabukas ng pintuan ng kanyang opisina. "Hi, honey!" Malanding sabi ng babae sa kanya sabay lapit nito. "What are you doing here!? Iritado niyang saad at tumayo. Nilingon niya ang sekretarya na mukhang natatakot. "Diba kabilin-bilinan ko sa'yo na ayaw kong magpaistorbo?! Lalung-lalo na magpapasok ng ibang tao?! Giit niyang saad. Ayaw na ayaw niyang kinokontra siya. "I-I'm sorry, Sir. Pinigilan ko po siya at sinabihan na hindi puwede, pero mapilit po siya." Ramdam niya ang panginginig sa boses nito. "I'm missed you so much, honey." Pambabaliwala ng babae sa reaksiyon ni Logan. Hinihimas nito ang dibdib ni Logan. Akmang hahalikan sana nito ang huli nang iniwas nito bigla ang mukha. "Leave us, Dayen, anito sa sekretarya. "O-okay po, Sirr. Excuse me." Nang makalabas ang kanyang sekretarya, hinarap niya agad si Maxine. Isa sa mga babae niya sa kama noon. Isa itong modelo. Nakilala niya ito sa isa sa mga dinaluhan niyang charity ball. Pahirapan ang pagdidispatsa niya rito. Ito ang parang linta, ang hirap alisin dahil matindi kung kumapit. "What are doing here, Maxine!?" Visiting you. Ilang buwan na tayo hindi nagkikita, honey? Hindi mo ba ako na miss?" Patuloy sa paghaplos nito, pababa sa kanyang sikmura. Para naman siya nandiri sa ginagawa nito. Kung noon, gustong-gusto niya ang mga ganito na pinapakita sa kanya ng mga kababaihan. Ngayon, hindi na. Simula noong nakilala niya si Abrianna, nagbago ang takbo ng buhay niya. Kung dati kaliwat kanan ang mga babae niya, ngayon masaya siya na si Abrianna lang pinagtutuonan niya ng pansin. Kung dati parang damit siya kung magpalit ng babae, ngayon kahit panghabambuhay niyang makasama si Abrianna, hinding-hindi siya magsasawa rito. "Leave my office peacefully now, Maxine. Don't wait me to call my security guards and grab you outside,"pagbabanta niya. Gustong-gusto na talaga niya ito mawala sa kanyang landas. "Why so hot headed, honey? I know, how to remove that," malandi, anito at pambabaliwala sa kanyang pagbabanta. Umalis siya sa harapan nito at bumalik sa upuan. Sumunod naman ito. Hindi pa na kontento, kumandong pa ito. Putangina! Sa inis ni Logan, tumayo siya bigla. "Ouch!!" daing nito. Bumagsak kasi ito sa sahig. "Putangina! Umalis ka sa harapan ko ngayon, din! Punyeta!" sabay palo niya sa mesa at tumama ang mga daliri niya sa keyboard ng kanyang computer. Tumambad kay Logan ang kuha ng cctv sa paaralan niya. Pagtingin, nakita niya sa isa sa mga kuha nito si Abrianna, na may kasamang lalake at mukhang masaya pa na nakikipag-usap. Naikuyom niya ang mga palad. Mas na dagdagan lalo ang naramdaman niyang galit. Nagtagis ang kanyang bagang. Hindi niya lang napasundan kay Mark ito, may iba na agad nakalusot! Putangina mo! Hayop kang gago ka! Ang lakas ng loob mo lumapit sa pagmamay-ari ko! Inabot niya agad ang cellphone niya't may tinawagan. Narinig niyang nag-riring ang phone nito. "f**k! Pick up your f*****g phone, Abrianna!" nanggagalaiti sa galit aniya habang pinapakinggan ang pagriring nito. "s**t!" mura niya ulit nang matapos ang pagtunog nito nang walang sumasagot. Tinawagan niya ulit. Wala pa rin. Tiningnan niya sa monitor ito, parang wala itong naririnig. Patuloy lamang sa masayang pakikipag-usap. Tinawagan ni Logan ang numero ni Mark. Nag-ring lang ito ng dalawang beses at agad nito sinagot. "Puntahan mo si Abrianna sa paaralan ngayon din! Iuwi mo siya sa bahay nila. Bahala na kayo sa putanginang lalaking kausap niya ngayon. Gawin niyo ang dapat para magtanda ang gago na 'yan!" Utos niya kay Mark pagkatapos, ikinansel ang tawag rito. Tinawagan ulit niya ang phone ni Abrianna. Naka ilang ring lang ito at natapos agad. Nagpupuyos na siya sa galit. Tinawagan niya ulit. Pero, operator na lang ang narinig niya, nagsasabing out of coverage na ang numero nito. "Punyetang! Putanginang, Abrianna!" sabay tapon sa cellphone niya na tumama sa dingding. Pati mga papeles na nasa mesa niya't computer, hindi nakaligtas sa kanyang galit. "Dayennn!" Ibang-ibang Logan ang nakita ni Maxine ngayon. Nakakatakot ito. Sa katunayan, ngayon lamang niya ito nakita na nagkakaganito. Marami na siyang narinig, nabalitaan at nabasa tungkol sa pagiging 'the beast businessman' nito. 'Yun ang isa sa mga tawag rito ng mga media, lalo na mga kalaban nito sa negosyo. Pero ang makita niya na naging ganito ito dahil lang sa isang.............Abrianna? The chic magnet, s*x gamer and most of all one of the powerful businessman, Logan Montefalcon ay parang nahihibang sa isang babae? Who are you Abrianna? "Dayen!" tawag ulit ni Logan. "Y-yes, Sir!" natataranta namang pumasok agad ang sekretarya. "Sabihin mo kay Marco na ihanda ang eroplano at uuwi ako ng pilipinas, ngayon din!" "P-pero, S-sir. You still have a meeting for another investor?" "Do what I've said! Kung ayaw mong mawalan ng trabaho!" pagdidiin niya sa sinabi at bulyaw sa pagmumukha nito. Pinakakalaban niya ang pinapangunahan siya. Walang sinuman ang puwedeng magdikta sa kanya! Wala! "Yes, Sir," sabay alis ni Dayen sa kanyang harapan. Be ready Abrianna, makikilala mo kung paano magalit ang isang Logan Montefalcon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD