Chapter 7
"Sissy Rian!" tawag sa kanya ni Naveen nang lingunin niya ito.
Naglalakad siya sa hallway papunta sana sa room nila. Agad niya pinuntahan ang kinaroroonan ng mga kaibigan. Nakaupo ang mga ito sa bench na may pabilog na mesa sa gitna. Nasa ilalim ng naglalakihang puno ito nakapwesto, kaya kahit na tirik na tirik ang araw hindi mo alintana ang init.
"Sissies, pa upuin ang mahal na princessa," umaaksiyon pa na sabi ni Isabella na nakayuko sabay lahad ng isang kamay nito at ang isa naman ay inilagay sa tiyan.
"Baliw!" natatawang sabi na lamang niya.
"Buti nakarating ka dito ng matiwasay, sissy?" tanong sa kanya ni Mika na nakangiti.
"Huh? Bakit hindi?" nagtataka niyang sagot sa kaibigan.
"E, kasi po sa haba ng buhok niyo, baka kako natapakan na 'yan ng ibang estudyante d'yan," natataw, anito.
"Iwan ko sa inyo. Mga sira at baliw na kayo," naiiling na lamang si Rian sa pinagsasabi ng mga kaibigan.
"Seryuso, sissy. Nakita namin sa balita kanina at nasa mga newspaper din, kung ano ang mga nangyari kagabi at sa ibinigay ni Logan na napakalaking halaga para sa charity." Naveen
Pagkasabi ni Naveen nu'n. Naalala niya agad ang nangyari sa kanya kagabi. Ang mga pinagsasabi nito sa harapan ng ibang bisita na dumalo. At ang pagpunta nito sa backstage kung saan naroon silang lahat na mga modelo at designers.
"Punyeta! Nasaan si Abrianna!?" galit na bungad nito. Natakot ang iba lalong-lalo na ang mga bakla na make-up artist at stylist dahil sa mukha palang nito na animoy gusto ng pumatay.
"Logan, ano ba! Huwag ka ngang sumigaw at magmura dito!" sabay lapit niya sa binata. Nakasuot na siya ng roba na imbis magbibihis sana siya nang marinig ang boses nito.
"Putangina, Abrianna! Hindi ka pa nakabihis?! Talagang gusto mo ipakita 'yang katawan mo, huh?" hinawakan siya nito sa braso na parang nagpipigil na masaktan siya.
"Ouch! Logan, nasasaktan ako. Please!" Daing niya. Alam niyang iba ito kung magalit, kaya minsan natatakot siya. Pero ngayon mas lalo lamang nadagdagan ang takot niya rito. Ibang Logan ang nakikita niya ngayon.
"Uhm. Excuse me, Mr. Montefalcon. I'm sorry po. Ako po kasi ang naki-usap sa ina ni Ms. Abrianna na kung piwede siya muna ang ipalit ko. Na aksidente po kasi 'yong isa kong modelo na pang finale ka---."
"Tarantado ka! Ikaw pala ang dahilan!" putol nito sa pagpapaliwanag ni Javier.
Akmang lalapitan nito ang huli nang mapigilan niya ito sa braso. Tumulong na rin ang mga bodyguard nito sa pag-awat sa kanya.
"Please! Logan, nakiki-usap ako. Tama na, please! Hindi naman nila kasalanan, e. Kusa akong pumayag dahil alam kong makakatulong ito sa mga batang nangangailangan ng tulong natin." Gusto na niyang maiyak dahil sa kahihiyan, pinipigilan niya lang. Nahihiya siya sa inasal nito. Lalo na sa harapan pa ng maraming tao. At hindi lamang mga ordinaryong tao, kundi mga kilala pa sa lipunan.
"Magbihis kana hanggat kaya ko pang magpigil," pagdiin nito sa sinabi.
Walang salita-salita'y agad na tumalikod si Rian kay Logan para makapagbihis. Pagkatapos, lumabas agad siya. Nasa pinto pa lamang siya palabas ng dressing room nang biglang hinila na siya nito. Bago paman sila makalabas ng tuluyan, lumingon siya kung saan nakatayo ang designer na si Javier na mukhang natakot din sa binata. She mouthed sorry to him at tango na lamang ang nagawa ng huli.
"Hey, sissy! Back to earth," wagayway ni Isabella sa kamay nito sa harapan ng kanyang mukha.. Napabalik siya sa kasalukuyan.
"Iba talaga ang tama sayo ni Logan, sissy. Gosh! I envy you," maarting utas sa kanya ni Mika.
"Oo nga. Saan ba puwedeng makabili ng ganyang ganda sissy at ng makabili rin. Para naman mabighani din sa amin 'yong mga kaibigan niya. Ehh!" Hiyaw ni Naveen na kinikilig. "Ang ho-hot talaga nilang lahat. Ang yummy at ang guguwapo sobra! s**t!" Para itong uod na binudburan ng asin.
"Hindi niyo lang alam kung ano ang sinasabi ninyo, kaya huwag kayong mainggit sa akin. Ako nga itong naiingit sa inyo e, dahil ang tahimik ng buhay ninyo. 'Di gaya ng akin, nakakatakot at ang gulo," malungkot niyang saad.
"Uhm. Excuse me, girls!" Sabi ng isang lalaki na naka black suit na lumapit sa magkakaibigan.
"Yes!" agad na sabi ni Naveen at tumingala. Napanganga naman ito sa nakita.
Tiningnan na rin nina Mika, Isabella at Rian kung sino ang nagsalita.
Nagtataka si Rian kung bakit narito ito. Ano naman kaya ang kailangan ng damuhong iyon? "Hey, Mark! What are you doing here?" Agad niyang tanong sa lalaking kaharap. Bodyguard s***h personal driver ito ni Logan. Gwapo din ito, kaya hindi na siya magtataka kung napapalingon dito ang mga estudyanteng babae na nasa paligid nila.
"Magkakilala kayo?" Baling sa kanya ni Naveen.
"Yes. Isa siya sa mga tauhan ni Logan," sabi na lamang niya at tumingin sa hawak nito. Tumaas naman agad ang kilay niya sa nakita. Ano ito? Peace offering?
"Uhh. Sorry, Ma'am,"kakamot-kamot, anito. "Pinabibigay po ni Sir Logan," abot nito sa isang bouquet ng bulaklak, tsokolate at isang rectangular shape na box. Nakakunot noo naman niya itong kinuha.
Magtatanong pa sana siya dito kung nasaan ang hudas na amo nit nang biglang tumunog ang cellphone nito na nasa bulsa. Kinuha naman nito at tiningnan. Agad nitong sinagot pagkakita pa lang kung sino ang tumatawag.
"Yes, Sir! Sorry po, Sir. Okay po," sunod-sunod nitong sagot at tango. 'Yun lang ang narinig ni Ria mula kay Mark. Hindi na siya magtatanong kung sino 'yon. Basi palang sa pagsagot nito, alam na niya. Ganito ang mga tauhan nito e, isang tanong, isang sagot.
"Sige po, Ma'am Abrianna, aalis na po ako." Nakadungo na sabi nito.
"Okay. Thank you." Pagkasabi niya nu'n, agad na itong umalis sa harapan nila.
"Ano 'yun? Mukhang takot ata?" Nagtatakang tanong ni Isabella.
"Ano pa ba? Dahil na naman sa boss nu'ng hudas, kaya ganun 'yun. Tumawag nga, 'di ba?" Nakataas kilay niyang sagot sa kaibigan. "Oh, sa inyo na yan." Ibinigay niya ang mga bulaklak at tsokolate sa mga kaibigan. Tanging ang rectangular box na ibinigay sa kanya'y isinilid niya sa kanyang bag. Ibabalik niya ito pagsinundo siya ni Logan mamaya.
Speaking of sundo. Bakit kaya hindi siya sinundo ng hudas na 'yon kanina? Naputol siya sa pag-iisip nang marinig ang pagtunog ng kanyang cellphone. Kinuha niya ito at tiningnan. Tss! The devil is calling. Sinagot na lamang niya ito.
"Bakit mo ibinigay ang bulaklak at tsokolate sa kaibigan mo? 'Di ba pinabigay ko 'yan sa'yo!" Nagtatakang inilibot ni Rian ang paningin sa paligid. Paanong nalaman nito?
"Kahit anong tingin mo diyan, baby. Hindi mo pa rin ako makikita." Alam ni Rian na nakangisi ang hudas na ito habang sinasabi nito 'yon.
"Nasaan ka?" Pilit pa rin niya hinahanap kung nasaan ito.
Habang kausap ni Logan si Rian sa phone nito, hindi niya mapigilan na mapangiti lalung-lalo na sa nakikita niya ngayon sa dalaga na nakakunot noo at nakanguso. Napakaganda talaga nito. Kahit naka jeans at tank top lang, hindi pa rin maikakaila ang gandang taglay. Kaya, hindi siya masisisi kung ganun na lamang siya ka seloso at kahigpit pagdating sa dalaga. Kahit sino magkakagusto agad rito, kahit sa unang kita pa lamang. Lalo na kung makilala nila ito ng mabuti. She's not only have a stunning beauty, but she's also have a big heart most especially for those children without parents. And that's the most he really like her, she's being fond by the kids. Iniisip niya palang, what if ang mga anak nila ang inaalagaan nito? Ipinagluluto silang mag-ama, pinapaliguan ang kanilang mga anak, pakakainin nito, lalaruin at patutulugin. Napapangiti na lamang si Logan. May kakaibang ligaya at kilig siyang naramdaman sa scenario nilang 'yon.
"Hoy, hudas! Hindi kana nagsalita. Ano nang nangyari sa iyo diyan? Patay kana ba?" Rinig niya na sabi nito sa kabilang linya. Nabalik naman siya sa kasalukuyan. Tss! Mataray nga lamang. Ito lamang ang tumatawag sa kanya ng hudas. Pero kahit ganun, imbes na mainis or magalit siya, ang sarap pa rin sa pandinig. Kahit siguro kahit ano ang itawag sa kanya nito'y okay lang sa kanya. Ang sarap nito halikan para matigil. Na miss na niya halikan ito ulit. Kung hindi lang tumawag ang secretary niya kagabi na may nangyari sa planta niya ng petroleum dito sa Dubai, nunka aalis siya. Na miss na niya agad ito. Kaya, magtiis na lang muna siya sa pagtanaw nito sa cctv.
"Hindi pa ako mamatay, baby. Dahil mamahalin mo pa ako." Nakangiti niyang sabi kahit hindi naman nito nakikita. Pero siya, kitang-kita niya ito through the cctv na pinalagay niya sa mga bodyguard sa buong campus para lang ma-monitor ito, kahit nasa malayo siya.
"Mahalin mo 'yang sarili mo hudas ka!" Taray talaga.
"I already loved my self, baby. So it's your turn to love me back." Nakita niya ang pagtaas ng kilay nito nang sinabi 'yon.
"Your nonsense. Nasaan ka ba?"
"Far away. But still my eyes on you so behave, baby."
Tok! Tok! Tok!
Mga katok ang pumutol sa pag-uusap nina Logan at Rian.
"Excuse me, Sir! Mr. Rashid is already here," bungad sa kanya ng sekretarya.
"Okay. Papasukin mo," mawtoridad niyang sabi.
"Okay, Sirr."
"I'll hang up now, baby. Take care! I'll call you from time to time. Bye!" paalam niya dito.
"Okay, ikaw din ingat lagi," napatawa siya ng makita niya sa monitor na napatakip ito sa bibig nito. Iiling-iling na lamang siya. Huli ka balbon!
Pinatay na niya ang tawag nang makita papasok si Mr. Rashid. Isa ito sa mga gustong mag-invest sa kompanya niya dito.
Nagmamadali na si Rian sa pag-aayos nang marinig niyang may kumatok sa kanyang pintuan.
"Sweety! Nandito na si Quinn. Bilisan muna diyan!" Sigaw ng kanyang ina sa labas ng kanyang silid.
"Yes, Mom! I'll go out now!" balik sigaw niya rito.
Nagulat siya ng sinundo siya nito kanina sa school. Well, dati naman sinusundo siya pagmay time ito, pero hindi niya pa rin maiwasan na magulat dito pabigla-bigla kasi ito at wala man lang pasabi.
Quinn has invited her for dinner. Pumayag siya dito dahil kaibigan naman niya ito at kaibigan din ni Logan. Kaya okay lang.
Sa huling pagkakataon tiningnan niya ang sarili sa salamin. Nang masiyahan sa nakita, lumabas na siya. Pagkababa pa lang niya sa hagdanan nila, sinalubong agad siya ni Quinn, sabay abot sa kamay nito. Agad din naman niya inabot iyon.
"Thank you, Quinn!"
"You're so much welcome, Abi. You're really beautiful." Hagod nito sa kanyang kabuuan. Namula naman siya sa papuri nito. Iba kasi kung makatitig ito habang sinasabi nito 'yon. "Shall we?" Ngumiti na lamang siya para maitago ang hiya na nararamdaman. Maraming beses naman sila lumalabas nu'n na silang dalawa lang, ngunit bakit ang awkward ata ng dating sa kanya ngayon?
Lumabas na sila at tinungo ang sasakyan nito na nakapark. Agad siya pinagbuksan nito at inalalayan makaupo. Pagkasara, umikot agad ito papuntang driver seat.
Kitang-kita naman ni Mark dito sa labas ng bahay nila Abrianna na sumakay ito sa sasakyan ni Quinn. Hindi niya alam kung sasabihin ba sa boss niya na umalis ito, kasama ang kaibigan nito. Nagdadalawang isip siya. Bahala na nga. Aniya sa sarili. Isa pa, kaibigan naman ito ng boss niya, kaya okay lang siguro. Susundan na lamang niya ito para alam niya kung saan ito pupunta.
Pagkarating pa lang nila Rian, agad na niya nakita ang pinagdalhan sa kanya ni Quinn. The Lounge, one of the luxury restaurant. Known for there authentic korean cuisine and also western foods. Mga mamahalin ang pagkain nila dito, pero hindi mo naman pagsisisihan dahil napakasarap talaga.
Sa labas pa lang makikita mo na ang karangyaan. Lalo na sa loob na sasalubong agad sa'yo ang mga mamahaling muwebles at klase-klaseng painting na naka dikit sa wall nitong buong restaurant. Isa ito sa mga paborito niyang puntahan. Korean, Thai and Japanese cuisines are one of her favorite food.
Pagkapasok, napapalingon ang mga tao na nadadaanan nila. Kaya, ang nangyari hinapit siya ni Quinn sa baywang. Naiilang man, hindi na lang niya pinahalata rito.
"Good evening, Sir, Ma'am!" salubong sa kanila ng isang waiter na ang lapad ng ngiti.
"Good evening! Table for two under the reservation of Mr. Verganza," seryusong saad ni Quinn.
"Dito po, Sir." Iginiya sila ng waiter papunta sa kanilang mesa.
Pinaghila si Rian ni Quinn ng upuan. Ito na ang pinapili niya ng pagkain nila. Magkaharap sila, kaya naman ang buong atensiyon ng huli ay nasa kanya. Kung saan-saan niya ibinabaling ang paningin para lamang makaiwas sa mga titig nito. Ilang minuto pa ang kanilang hinintay bago dumating ang kanilang inorder na pagkain.
Habang kumakain, kung anu-ano ang pinag-uusapan nina Rian at Quinn. Una na roon, ang pangungumusta niya rito habang nasa New York ito at Nevada. Nasa Nevada ang pamilya nito at ibang negosyo, kaya paroon parito ito sa dalawang lugar.
"So, how's Luna, Quinn?" Tanong niya sa kababata nito. Naikuwento nito iyon dati na may kababata ito, kaya alam niya ang estorya ng dalawa.
"Still busy. Abala lagi sa pag-dedesinyo ng mga gown nito at pamamahala ng sariling mga boutique," saad nito habang sumusubo ng pagkain.
Si Quinn naman ang nagsasalita habang nakikinig si Rian nang tumunog ang kanyang cellphone sa kalagitnaan ng pag-uusap nila. Kinuha niya iyon at tiningnan, nangunot ang kanyang noo.
Hindi naman na kaligtas kay Quinn ang pagbago sa reaksyon ng kaharap. Mukhang alam na niya kung sino ang tumatawag rito.
"Sagutin mo na bago pa sumabog 'yang phone mo sa kakaring." Alam niya kasing hindi titigilan ito ng kaibigan hanggat hindi nito sinasagot 'yun.
"Sige, sandali lang." Tumayo agad si Rian para tumungo sa comfort room. Doon niya plano sagutin ang tawag ni Logan dahil wala siyang planong sabihin na umalis siya ng bahay na hindi nagpaalam rito.
Kahit pa sabihing kaibigan nito at niya ang kasama, kapag tinupak ito, wala ng sinasnto ang hudas na 'yon. Iwan ba niya. Sa tuwing nalalaman nito na lalaki ang kanyang kasama, agad itong naghuhuramintado't nagsisiliparan ang mga pagmumura. Masyadong makitid ang utak.
Buti na lang walang tao sa c.r pagpasok ni Rian. Walang makakarinig sa pagsisinungaling niya ngayon. I'm sorry God. Bulong niya sa isipan, bago sinagot ang walang tigil sa pagtunog niyang cellphone.
"Hell--."
"What you took so long for not answering your phone?!" Tss. Hindi pa nga niya natapos ang hello, ito agad ang binungad sa kanya.
"Katatapos ko lang po maligo." Pagsisinungaling niya.
"Okay, I'm sorry, baby, kung hindi na ako nakatawag ulit sayo kaninang hapon. Sunod-sunod kasi ang meeting ko." Paliwanag ni Logan sa mahinang boses na.
"Okay lang naiintindihan ko naman, e. Oh, sige na, magpahinga kana alam kung pagod kana din." 'Yun na lang ang sinabi niya, para hindi na humaba pa ang usapan nila. Naghihintay pa naman si Quinn sa kanya, nakakahiya rito.
"Yeah. Kung nandito ka lang sana sa tabi ko, mawawala agad ang pagod ko."
Umirap si Rian kahit hindi naman siya nakikita nito. "Nasaan ka ba kasi? Ba't ayaw mo sabihin?"
"It's for business, baby. I will go home soon and be ready!"
"Yeah, fine." Walang gana niyang sagot. Wala rin naman kasi siyang makuhang matinong sagot dito e. I'll hang up now Logan. Bye!"
Pagkatapos ng tawag ni Logan sa kanya'y, agad na siya lumabas at tinungo ang mesa nila ni Quinn.
"Urgh!" Sabay sabunot ni Rian sa kanyang buhok at takip ng unan sa mukha . Paano ba naman kasi. Kanina pa niya gusto matulog at kahit anong gawin niyang pagpikit ng kanyang mata para dalawin ng antok, wala pa rin.
Paulit-ulit bumabalik sa isipan niya ang sinabi ni Quinn sa kanya kanina bago ito umalis.
"Thanks for the dinner and your time, Quinn. Ingat ka sa pag-uwi, uh. Dahan-dahan lang sa pamamaneho. Bye!" Hinalikan niya ito sa pisngi.
"Abi wait."
"Oh, Bakit?"
Hinawakan nito ang kanyang dalawang kamay. "Abi, alam ko narinig muna ito nu'n sa opisina ni Logan. Pero, ngayon lang ako magkakalakas loob para masabi sa iyo ito ng harapan. Mahal kita, Abi. Hindi lamang isang kaibigan kundi higit pa do'n. Noon paman minahal na kita. Ngunit, dahil sa nag-aaral ka pa, mas pinili ko munang umalis dito nu'n,. Gusto kong kalimutan ang nararamdaman ko sa'yo, pero ang akala kong paglayo sayo'y makakabuti, hindi rin pala. Habang tumatagal mas lalo lamang akong nangungulila sa'yo. Sa bawat araw na nagdaan gustong-gusto kita makita. Pilit kong iwinawaksi sa isipan at puso ko ang anumang pagmamahal na meron ako para sa'yo. Kaya nga hindi ako nagpaalam no'ng umalis ako. Dahil alam ko kong malalaman mo kung naasan ako ay pupuntahan mo lamang din ako." Habang sinasabi ni Quinn ang mga salitang iyon, hindi maalis-alis ang paningin nito sa kanya. "Mahal na mahal kita, Abi."
"Qu---Quinn," tanging nasabi na lamang ni Rian. Oo, narinig niya na ito nu'n at nagulat nga siya. Pero, iba pa rin talaga na harapan nitong sinabi lahat at sa kanyang mga mata pa mismo. Mas lalo lang naramdaman ni Rian ang pagkailang sa pagitan nilang dalawa.
"Maghihintay pa rin ako, Abi. Hayaan mo sana akong iparamdam sa'yo kung gaano kita ka mahal."
Agad napabalikwas ng bangon si Rian. Parang hindi niya kayang isipin ang mga sinabi ni Quinn sa kanya kanina. Kaibigan niya ito. Ayaw niya itong masaktan at paasahin. Pero anong gagawin niya? Dahil sa wala siyang masabi kanina sa kaibigan ay tumango na lamang siya. Ngayon niya naisip na mali ang ginawa niyang pagtango rito. Sa ginawa niya, mas lalo lamang niya binigyan ng dahilan ito para umasa.
Sa kabilang banda. Habang nagmamaneho si Quinn pauwi, hindi niya maiwasan mapangiti. Atlast, nasabi na niya sa dalaga kung ano ang naramdaman niya rito. Ngunit, agad nawala ang ngiting sa kanyang labi.. Ramdam niya kasi na hindi sila pareho ng nararamdaman nito. Sa ngayon, hindi niya mo na susukuan ito. Wala pa siyang ginagawa para sumuko agad. Ipaparamdam at ipakita niya rito kung gaano niya ito kamahal. Kahit...............pakiramdam niya na gusto din nito ang kanyang kaibigan. Wala pa rin siyang nakikita na dapat niyang sukuan ito. Not now......