Chapter 6

3366 Words
Chapter 6 "Quinn?" sambit ni Rian pagkakita sa binata. "God! Abi, it's really you. I thought I'm just hallucinating," sabay lapit sa kanya ni Quinn at yakap. "I missed you so much," bulong nito sa kanyang tenga. Miss na miss din niya ito. Dahil ito ang naging matalik niyang kaibigan na lalake. Kahit na mas matanda ito sa kanya ng walong taon, hindi naging hadlang sa kanila ang agwat na kanilang edad upang magkalapit sila sa isa't-isa. Halos magkasundo sila sa lahat ng bagay. Lingid sa kaalaman ni Rian na higit pa sa pagkakaibigan ang turing ni Quinn rito. Nagulat na lamang sina Quinn at Rian dahil sa galit na sigaw ni Logan dito sa loob ng conference room. "Tarantado! Putangina ka, Quinn! Bitawan mo si Abrianna! Baka makalimutan kong kaibigan kita!" Agad na pinigilan si Logan nina Killian at Gavin. Susugurin sana nito ang huli. "Kalma lang, bro," saway rito ni Killian. "Paano ako kakalma kung ang babaeng minahal nito....." sabay duro niya kay Quinn. "ay ang babaeng pagmamay-ari ko!" pagpupumiglas nito sa pagkakahawak ng mga kaibigan. Nagulat si Rian sa narinig. Siya? Mahal ni Quinn? Kailan pa? Bakit hindi man lang sinabi nito sa kanya? Bakit pagsinabi ba niya sayo na mahal ka niya na higit pa sa pagkakaibigan. Sasabihin mo rin ba na mahal mo din siya na katulad sa naramdaman niya sayo? Kastigo ng kabilang niyang isip. "Ang kapal talaga ng mukha mo hudas ka!" sigaw ni Rian rito sa sobrang inis. Palagi na lang itong ganito. Nang aangkin na hindi naman kanya. Sarap lang talaga sipain nito! Nakakapag-init ng dugo. "Bwahahahaha!" Tawanan ng mga kaibigan ni Logan dito sa loob. "Bagay naman pala sa'yo ang pangalang hudas, bro. Hahahah!" Walter habang pinagtatawanan ito. "Ehem!" tikhim ni Gavin. "Don't mind him Ms. Del Fuego. By the way, I'm Gavin Saavedra," pagpapakilala nito sabay lahad ng kamay. Akmang tatanggapin niya 'yon nang may marinig na pagbabanta sa kaharap. "Try to touch her ashole and you will see yourself outside this building," pagbabanta ni Quinn kay Gavin. "Woah! Woah! Woah! Teka. Hinay-hinay lang kayo. Relax mga, bro. Gusto ko lang makilala ako ni Miss. Del Fuego, e. Tsk!" Iiling-iling na sagot nito na nakataas ang dalawang kamay na parang sumusuko. "For what!" agap na sagot ni Logan. "Pucha! Hindi ko aakalain na ganyan pala kayo ka seloso," sagot naman ni Maverick. "Tss! Masisisi mo ba ang mga 'yan. Kung ganyan ba naman ka ganda ang nagustuhan nila, kahit ako ipaglalaban ko din ng patayan 'yan." sabat din ng isa pa na si Morgan. "Buwesit! Diyan na nga kayo! Hoy! Hudas, pagnalaman ko lang na may ginawa ka sa mga schoolmates ko, kakamuhian talaga kita ng habang buhay. Tandaan mo 'yan!" sigaw ni Rian rito sabay duro. Tumalikod agad siya para umalis. Naka ilang hakbang pa lamang siya nang may maalala. "We need to talk some other time, Quinn. Bye!" At tuluyan na siyang lumabas. Tok! Tok! Tok! "Sweety, let's go! Your dad's waiting for us!" sigaw ng ina ni Rian mula sa labas ng silid nito. "Coming, Mom!" ganting sagot nito. Sa huling pagkakataon, tiningnan niya ang sarili sa salamin. Ngumiti siya. She's satisfied from what she saw it in the mirror. She's wearing a black haltered dress until her mid-thigh, reaviling her creamy flawless skin and a long perfect pair of legs. Lumabas na siya. "You're really gorgeous and stunning, honey." Tumayo ang kanyang ama at lumapit sa kanya pagkababa nila sa huling baitang ng hagdan. "Thanks, Dad," aniya, sabay yakap sa kanyang ama. "You too is handsome as always, Daddy." "I'm jealous," kunwaring sambit ng ina. "No need, Mom." At nakangiti na nilapitan nila ito ng kanyang ama. Nagkayakapan sila. "I love you so much, Mom, Dad," saad niya sa mga ito habang nakayakap. "We love you more, sweety!" "We love you more, honey!" sabay na sagot naman ng mga magulang. "Shall we?" Anyaya ng ama ng maghiwalay sila sa pagkakayakap. Lumabas na sila at tinungo ang garahe kung saan nakaparada ang kanilang mga sasakyan na gagamitin. Ang mommy at daddy niya ang magkasama. Siya naman sa kanyang sasakyan. Buti na lang hindi na masyadong traffic, kaya ilang minuto lang ang kanilang biniyahe at nakarating sila sa venue. Nakasunod lamang siya sa mga magulang. Nakita niya na marami ng mga nagsidatingan na mga guest. Isang charity fashion show event ang dinaluhan nila ng mga magulang ngayon. Kaya halos lahat ng mga kilalang fashion designer, lumahok sa event na ito. Pati mga kilala at mayayamang negosyante, nandito rin. Kaya hindi nakapagtataka kung pati mga magulang niya ay nandito rin. Pati tuloy siya, damay. Pagkababa pa lang sa kotse ni Rian, agad nagsilapitan ang mga media at showbiz reporter sa kanya. "Miss Del Fuego, are you one of the model in this event?" "Meron daw nakakita sa inyo na magkasama kayo ni Mr. Logan Montefalcon, totoo po ba ito?" "Are you going out together? Is he courting you Miss. Del Fuego?" Sunod-sunod na tanong sa kanya ng mga reporter na pilit hinaharangan ang kanyang dinadaanan. Kahit mga magukang niya ay walang nagawa dahil kahit mga ito rin ay napapalibutan ng ibang reporter at tinatanong. "You hurt her! Let's go!" dinig niyang sabi ng kung sino mang lalaki sa kanyang likuran. Inakbayan siya agad nito at pilit na hinaharangan ng kamay ang pagkuha ng mga litrato sa kanya ng mga media man. Kahit na nahihirapan siya dahil sa mga nakasunod pa rin sa kanila na mga makukulit na reporter, hindi niya natiis na tignan ito. "Quinn," tanging nasambit na lamang niya. Tulad noon, sa tuwing kailangan niya ng tulong ay laging to the rescue ito sa kanya. Nakakataba lang ng puso dahil may isang Quinn sa buhay niya na handa siyang tulungan kapag kailangan niya. Pagkapasok nila sa loob ng hotel, agad niya itong hinarap at pinagpasalamatan. "Thanks a lot, Quinn," nakangiti niyang sabi rito. "It's nothing. Basta para sayo, Abi," ganting sagot nito na nakangiti. "Are you alone? Where's your friends?" Tanong niya sabay lingon sa likuran nito dahil baka nakasunod lang sa kanila. "They're already here. Nahuli lang ako dahil may tinapos pa kasi ako sa opisina," anito. So, the devil is here, huh! Sabi niya sa isip. Hindi pa sila pumasok sa pagdadausan mismo ng event. May kaunting oras pa naman ang natira bago magsisimula. "Uh, okay. How's Tito Gail ang Tita Gwennet, by the way?" pangungumusta niya sa mga magulang nito. "Ayun buhay pa naman at sumisipa," nakatawa na sagot nito. Tanging pangangatawan lang talaga ang nagbago rito. Dahil sa ugali nito, ganoon pa rin ito kung ano ito dati. Palabiro at lagi siyang pinoprotektahan. "Baliw! Same Quinn as usual," natatawa na lamang din siya. "Kung may nagbago man sa akin, 'yon ay ang mas gumwapo pa ako lalo," natatawa, anito. "Pero, dito sa loob ko?" Sabay turo nito sa dibdib. Kung kanina nakangisi ito habang nagsasalita, ngayon naging seryuso na. "Hindi ito nagbago at hindi na siguro ito magbabago, kailanman. Kahit ilang taon pa ang lumipas, naka tattoo na siya sa puso ko." Naiilang siya sa klase ng titig nito sa kanya habang sinasabi ang mga salitang 'yon. Naputol ang pag-uusap nila nang marinig ang pagsalita ng emcee. "Good evening, ladies and gentlemen! We're very sorry for the delay. We just fixing some problems for a while. Give us ten minutes and we start this show. Thank you." Magsasalita na sana ulit si Rian nang may marinig niya ang boses ng ina. "God! Sweety, nandito ka lang pala. Kung saan-saan na kita pinapahanap," saad ng ina n hinihingal pa. Saan ba naghanap ang inutusan nito, e, nandito lang naman sila ni Quinn malapit sa entrance. "Good evening, Tita!" Bati ni Quinn sa kanyang ina. "Oh my god! Quinn is that you? Pasensiya na, hijo, at hindi kita napansin agad. Kailan ka lang nakauwi? How's your parents?" Magiliw na tanong nito sa katabi. "Mommy, talaga! Ang laki nitong kaharap mo at ang tangkad, hindi mo pa napansin?" Sabat niya na tumatawa. "Ito talagang batang ito, oh. Akala ko lang kasi isa na naman sa manliligaw mo, kaya hindi ko na binigyan pansin," paliwanag ng ina. "Ang gwapo-gwapo mo talaga, hijo. Patagal ng patagal, mas lalo mong nakukuha ang facial features ng ama mo," dagdag pa nito. "Thanks po, Tita," kakamot-kamot na animoy nahihiya na sagot ni Quinn sa ginang. "Ay, naku! Matanda na talaga ako. Nakalimutan ko na kung bakit kita hinanap anak. Quinn, hijo, hihiramin ko muna ang anak ko, uh?" "No problem, Tita. Pupuntahan ko na rin ang mga kaibigan ko. See you later, Abi!" pagpapaalam nito sa kanila ng ina. "Yeah. See you later, Quinn ." nakangiti niyang sagot. Nang makaalis sa harapan nila si Quinn ay siya namang pag-hila ng ina sa kanya sa kung saan. "Bilisan muna, anak," nagmamadali, anito. "Bakit ba, Mommy? Saan ba tayo pupunta?" Nalilito niyang tanong. "Naki-usap kasi sa akin 'yung isa sa mga kaibigan kong designer. Na kung pwede, ikaw ang ipapalit sa finale model nila," paliwanag nito habang patuloy siyang hinihila. "What!" napatigil siya. "Why me?" Alam naman nito na wala siyang karanasan sa mga ganyang bagay. "Na aksidente ang modelo nila, anak. Wala na silang nakita na puwedeng ipalit, kaya nu'ng tinanong nila ako kung kasama kaba daw namin, sinagot kung oo. Ayun, naki-usap sila na paki-usapan ka kung puwede ikaw ang ipapalit," pagpapaliwanag nito.. "Mom, you know that I don't have any experience about modeling. Baka mapahiya lang ako sa harapan ng maraming tao," reklamo niya. "Sweety, this is not a beauty pageant. Even if you don't smile, it's fine. There are no questions also that you need to answer. All you have to do is to look fierce at the audience. Isipin mo na lang na hindi ito para sa'yo, seeety. Para ito sa mga bata na nangangailangan ng tulong natin." Tss! Alam talaga ng ina niya kung pa paano siya mapapayag. Child is her weakness. Isa rin ito sa dahilan kaya siya sumama sa mga magulang dahil alam niyang para sa mga bata ang gagawin ng event na ito. She was in second year of college when she started helping with charity events. Nagbibigay din siya ng tulong financial sa bahay ampunan. Iyon 'yung sobra sa allowance niya na sinisave niya lagi. Inilalagay sa bank account. At the end of the year, kinukuha niya ito at dinodonate sa bahay ampunan na tinutulungan. "Oh, heto na pala! Thank you so much Mrs. Del Fuego." Salubong ni Javier Mortiz isa sa mga sikat na designer. Hindi lamang dito sa Pilipinas, kundi pati na sa ibang bansa. "Walang anuman! Oh, sige na bihisan niyo na ang anak ko bago pa magbago ang isip niyan," nakangiting saad ng ina rito. Habang abala na ang lahat sa backstage. Bumalik naman ang ina ni Rian sa puwesto nito kung saan ang mga vip guests nakaupo. "Ang tagal mo naman dumating, bro. Saan ka ba nagsususuot? May na biktima kana naman ba?" salubong na tanong ni Killian kay Quinn. Tinapik pa siya nito sa balikat. Sigurado siya, mamaya makakakuha na naman ang mga kaibigan niya ng mga modelo dito. Kapag ganito ang event na pinupuntahan nila, asahan mong may iuuwi ang mga ito. Siya? Minsan lang kung may magustuhan. "Gago! May kinausap lang ako na pinaka importanteng tao sa buhay ko," sagot niya na nakangiti pa. Tiningnan ni Quinn ang kaibigan niyang si Logan. Mukhang walang pakialam ito sa paligid. Busy kasi ito kakapindot sa cellphone nito. Mukhang may tinatawagan pero hindi ito sinasagot. Maya-maya lang, narinig nila na nagmura ito ng malutong. "Putangina! Bakit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko!" Namumula ito sa galit. Buti na lamang maingay dito. Kung hindi, siguradong maririnig ng mga tao ang nakakatakot nitong galit na boses. "Sigurado ako si Abrianna na naman 'yan." Bulong ni Walter sa kanila. "Sino pa ba. Kay Abrianna lang naman 'yan nagkakaganyan, e." Pagsangayon naman ni Morgan. Ilang minuto lang narinig muli nila ang pagsalita ng emcee, hudyat ng pagsisimula. Agad nagsipuntahan sila magkakaibigan sa kanilang mga upoan. Nasa unahan sila ng vip lounge sa kanan. Kaya, kitang-kita nila ang mangyayari sa harapan. Palingon-lingon si Quinn, hinahanap niya si Abi, pero hindi niya ito makita. Tanging ang mga magulang lamang nito sa kabilang row, pero wala roon ang dalaga. Habang ang ina ni Rian kung saan ito nakaupo, makikita sa mga mata nito ang pananabik. "Once again, good evening ladies and gentlemen! We are here for another charity fashion show event. Ang lahat ng malilikom natin dito ay mapupunta sa lahat ng mga charity na tinutulungan ng organization." Nagpalakpakan ang mga manunuod. Halos lahat ng mga sikat na tao ay nandito. Artists, Musicians, Co-models, Politicians, Businessman na tulad nila at marami pang iba. "Thank you for always supporting us through the years. And now, we will represent to you! The best of the best creation of our talented and famous designers! Let us witness their creations! Here they are!" masayang wika ng emcee. Biglang dumilim sa palibot nila kasabay ng isang tugtog. Tanging ilaw lang na nasa gilid ng stage ang nagbibigay liwanag kasabay ng paglabas ng mga usok nito. Maya-maya lang ay nakita nila na nagsilabasan na ang mga modelo, rumampa sa mga klase klaseng desinyong suot. "s**t, bro! Ang gaganda nila!" Di mapigilan na pahayag ni Jagger. "May na pili kana ba, bro?" Tanong ni Maverick kay Killian. "Meron na, bro. Humanda sa akin ang babaeng 'yan mamaya," sagot naman ni Killian na nakatingin sa stage. Kung saan may isang babae na nakasuot lamang ng isang manipis na dress design. Kitang-kita ang utong nito at kalahating dibdib na natatakpan. Masyadong reaviling ang suot ng babae. Maganda ito at maganda rin ang katawan. "Sigurado ako mabubusog ka sa boobs mamaya niyan, bro," Natatawang sambit ni Gavin kay Killian. Ngunit, maya-maya lang ay....... "Holy s**t!" biglang hiyaw ni Jagger dahil sa nakita sa harapan. "Can you stop it, bro, parang ngayon ka lang nakakita ng mga modelo." Naiiritang binalingan ni Logan ang kaibigan mula sa pagkakayuko dahil sa ka-katext kay Rian. Kanina pa siya naiinis or mas tamang sabihin nagagalit dahil sa hindi pagsagot nito sa kanyang tawag. Maraming text message na siyang pinadala, pero ni isa wala man lang reply. Nawalan na siya ng ganang manuod. "Tsk! Tsk! Tsk! Gulo na naman 'to!" Gavin. Tiningnan niya kung saan nakatingin ang mga kaibigan. Kulang ang salitang pagkagulat, dahil sa kanyang nakita. Kaya pala. Kaya pala hindi sinasagot ang mga tawag niya at text, dahil andito pala ito. Hinagod ng mga mata niya ang suot nito. Umakyat na ata lahat ng dugo ni Logan sa kanyang ulo pagkakita sa isinuot ni Rian. Ayaw na ayaw niya nga ito magsuot ng masyadong sexy na damit. Tapos ngayon, heto't halos kita na ang kaluluwa nito. Hindi niya kayang tingnan na lang ito na pinag-pipistahan ang katawan ng mga lalaking narito. Dahil sa hindi na mapigilang galit, malulutong na mura ang kanyang binitawan. "Punyetang! Putanginang 'yan!" Agad siyang pinigilan ng mga kaibigan sa pagbabalak sana niyang tumayo. "Bro, kahit kaunti magpigil ka muna. Huwag na huwag kang gumawa ng gulo dito. Maraming mga media at reporter, baka nakalimutan mo," bulong sa kanya ni Walter habang hawak siya sa balikat. "Bitawan niyo ako! Putangina! Lagot sa akin ang babaeng 'yan mamaya!" nanggagalaiti sa galit niyang saad. Parang puputok na ang mga ugat niya sa leeg dahil sa pagpipigil ng galit. Hindi masisisi ni Quinn si Logan kung galit ito ngayon. Kahit din naman siya nagpipigil din. Lalo pa't nakita niya kung paano napatulala at hangaan ng mga kalalakihan si Abi. Pero, mas hindi niya napigilan na mas lalong humanga sa dalaga. Bagay na bagay rito ang maging modelo. Kung noon mataas na ito sa taas na 5'7 para sa mga babae. Mas lalo ata itong tumangkad ngayon. Sa tingin niya nasa 5'8 1/2 na ang tangkad nito. Dagdagan pa ang taas ng heels na suot. Naging second skin nito ang suot kung titignan sa malayuan. Tuloy, nagmukha itong nakahubad lang. Aakalain mo ang tanging mga makukulay at nagkikislapang mga beads sa katawan lang ang nakatakip sa maseselang katawan nito. Nakita ni Rian kung paano pinigilan si Logan ng mga kaibigan nito. Iyon ang ikinatatakot niya, ang maging reaksyon nito. Natatakot siya sa kung ano ang kayang gawin nito dito. Pinagbawalan na nga siya nito na magsuot ng sobrang kita ang balat niya. Kaya naman kanina nang makita ang mga susuotin niya, tumutol siya. Nag-protesta. Pilit niyang pinapakiusapan si Javier na kung puwede niya ipalit iyon sa hindi gaanong reaviling na mga design. Hindi pumayag ang huli dahil 'yon daw ang nababagay sa kanya at 'yon din daw ang pang finale na design. From not so revealing to very revealing, kaya no choice siya kundi ang suotin na lang. Hindi pa makapaniwala si Javier nang makita nito ang suot niya. "God!! Akala ko bagay sa iyo ang desinyo ko!" Para naman napahiya si Rian sa sinabi ng designer. Kaya yumuko siya para itago ang pagkapahiya niya. "Chin up girl! You should be proud! You're a goddess of beauty. Hindi lang bagay sayo ang design ko, kundi bagay na bagay na bagay! As in!" He said while giggling. Inilibot ni Rian ang paningin sa harapan. Masaya siya na makita sa mga mata ng manunuod ang paghanga sa kanya. Nang makita niya ang mga magulang, ngumiti siya sa mga ito. Nakita niya rin na masaya ang mommy niya, pero hindi ang daddy niya na nakakunot ang noo. Sumunod na sinuot niya'y ang summer collection na mga design. In short, she's wearing now a two piece of red bikini. Hindi na siya magugulat kung paglabas pa lang niya susugurin na siya ng kumot ni Logan. Sana lang talaga matiwasay niyang matapos ito. Nang makita ni Logan ang sumunod na sinuot ng mga modelo, mas lalo siyang nagpupuyos sa galit. Alam na niya ang kasunod na susuotin ni Rian. "Woah! Painit sila ng painit, uh." Killian. "At malapit na rin akong sumabog! Putangina!" sabat niya. "Please, lang mga bro, huwag niyo na ako pigilan sa gagawin ko ngayon. Alam ko ang ginagawa ko, kaya huwag kayong mag-alala," pakiusap niya sa mga kaibigan. Hindi talaga niya kaya pag-pistahan ng mga peste ang katawan nito. Baka dito pa siya makapatay. Kaya bago pa makalabas si Abrianna, kailangan na niya gumawa ng paraan. "Okay, bro. We will not meddle you," nakataas kamay na parang sumusuko na sagot ni Gavin sa kanya. Nakita niya ang organizer na kakalabas lang galing backstage. Agad niya itong nilapitan at kinausap. Naghihintay si Rian sa hudyat niyang paglabas nang may narinig sila na nagsalita sa micropono. "Parang kilala ko ang boses na 'yan, ah," bulong niya sa kanyang sarili. Nang sumilip siya. Tama nga ang hinala niya, ang hudas nga. "Hello! Good evening, everyone! Alam ko ang iba dito sa inyo kilala na ako. But, still i want to introduce myself para sa hindi nakakakilala sa akin. I'm Logan Montefalcon the CEO of Montefalcon Empire and my very own company na dating L.M Group of Company na ngayon ay LAM Group of Copmany." "Tss! Yabang talaga! Kailangan pa ba sabihin ang mga 'yan," bubulong-bulong na sabi ni Rian. "Nandito ako sa harapan niyo ngayon. Para sabihin na tapos na ang fashion show na ito." Iba't-ibang reaksyon at bulong-bulongan naman ang narinig ni Rian sa mga tao na nandito sa loob. Sino ba naman ang hindi mag-rereact, kung bigla na lang sasabihin ng isang hudas, na tapos na ang show. Na alam naman ng lahat na hindi pa. "Don't worry, coz i will give five million for the charity. Magbibigay ako, huwag ko lang makita ang babaeng pagmamay-ari ko na pinag-pipistahan ang katawan ng mga lalaking nandito habang rumarampa sa pesteng entablado na ito," anito sa galit na boses. Natuod si Rian sa kanatatayuan. Five f*****g million? Ang idodonate nito para lang sa kanya. Kung sa ibang pagkakataon pa siguro nito sinabi iyon, kikiligin na siya ng bong-bonga. Pero, mali ata ang pagkakataon sa kanila. At talagang pinangangalandakan talaga nito na pagmamay-ari siya. Hindi ba talaga ito nag-iisip? Ang daming mga reporter dito. Kung kanina nga pinaulanan na siya ng mga tanong. Ano pa kaya ngayon na narinig ng mga narito ang sinabi nito? Kahit kailan talaga, problema ang hatid mo sa akin hudas ka! Sigaw ng kanyang isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD