Chapter 5

2486 Words
Chapter 5 Naglalakad sa hallway ng kanilang paaralan sina Abrianna at mga kaibigan nito. Nag-uusap habang hindi pansin ang nakatitig na mga kalalakihan sa paligid ng mga ito. "Buti na lang, sissy, hindi ka hinatid ni Logan papasok dito sa school ngayon," utas ni Mika na kinikilig. "May meeting kasi raw siya sa mga investor niya, kaya ayun nagmamadali," sagot nman niya. "Ehh! Anong feeling, sissy, na isang Greekgod at ubod ng hotness ang nanliligaw sa'yo? Huh?" Naveen. Kinikilig talaga ito. Napapailing na lamang siya sa tuwing ganito ang kanyang mga kaibigan. Hindi niya alam kung magiging masaya ba siya o ano. Halu-halo ang kanyang nararamdaman sa ngayon. "Ang totoo? Natatakot ako at hindi pa rin makapaniwala. Ang daming tanong na bumabagabag sa isipan ko. Nangunguna na roon, bakit ako pa ang nagustuhan niya?" Naguguluhan, aniya. "Are you serious, sissy? Nakuha mo talagang tanungin 'yan sa 'yong sarili? You look at around," sabay hawi ni Isabella sa sarili at pinakita sa kanya ang mga lalaking nasa kanilang deriksiyon nakatingin. "You see them? Sila lang naman ang nahuhumaling sa'yo, na kahit kailan hindi mo pinapansin. At ngayon kapa talaga magtatanong kung bakit ka nagustuhan ni Logan? Problema kasi sa'yo, sissy, masyadong kang mapagpakumbaba, kaya tuloy hindi mo nakikita ang 'yong sarili." Litanya nito. "Hindi niyo kasi ako naintindihan e. Siyempre hindi niyo naman maiiwasan sa 'kin iyon. Alam niyo naman kung ano ang reputasyon ni Logan. Sa dami ng mga nakakasalamuha niyang magagandang babae at sexy, bakit hindi na lang siya sa mga iyon? Bakit sa akin pa? Isa pa, ang ikinatatakot ko ay baka isa lang din ako sa mga babaeng paglalaruan niya. Alam niyo na, matapos magpakasarap, ibabasura kana lang ng basta-basta." Paliwanag niya. Iniisip niya pa lang ang mga bagay na 'yun, kakaibang kirot na ng kanyang puso ang nararamdaman. "Okay, I got your point. Let's say that he only wants your body as you explain it. Ngunit, ang tanong ko. Bakit pa siya magpapakapagod sa paghahabol sa'yo, sa paggawa ng mga bagay na kadalasan hindi ginagawa ng mga lalake kung katawan lamang ang habol niya sa'yo? Sinabi mo rin na madali lang para sa kanya ang makakuha ng babae, 'di ba? Hindi na niya kailangan maghabol pa sa'yo, sissy, at magpapakapagod kung hindi ka mahalaga sa kanya. 'Yun lang 'yon. At saka, mararamdaman mo naman 'yun kung seryuso o hindi ang lalake sa'yo, e. Unless.....magbubulag-bulagan ka at magpapakatanga, siguradong maloloko ka talaga." Natahimik siya at napaisip sa mga sinasabi ni Isabella. Oo, may tama ito. Ngunit, hindi pa rin niya maiwasan ang mga bagay na bumabagabag sa kanyang isipan hanggat hindi niya nalalaman ang totoong nararamdaman ni Logan para sa kanya. Mahirap lang kasi paniwalaan na ang gaya nito ay agad magbabago. "Ano tameme lang sissy?" Dugtong naman ni Naveen. "Tatanungin kita, Sissy Rian, huh? May naramdaman kana ba kay Logan?" Si Isabella pa rin. Naramdaman? Hindi niya alam. At kung meron man, sisiguraduhin niyang hindi siya magpapakatanga nang dahil lang sa mahal niya ito. "N-No, but I'm attracted to him." "Wala talaga? As in WALA?" pagdidiin nito sa kanya. "Wala nga." "Okay! Sabi mo, e." kibit balikat na pagsangayon nito sa kanyang sinabi. "Pasok na nga tayo. Kung anu-ano lumalabas diyan sa bibig niyo, e." anyaya niya sa mga kaibigan. Siya na ang nanguna sa paglalakad habang patuloy na iniisip ang mga napag-usapan nilang magkaibigan. Sa maiksing panahon na nakilala niya si Logan, ito na ang nangyayari sa kanya. Ang akala niya ay matatapos niya ang pag-aaral na walang lalaking magpapagulo sa kanyang tahimik na mundo. "Kurt! Hey, Kurt!" sigaw ni Rian sa binata nang makita ito. Ngunit, ni hindi man lang siya nilingon nito. Bagkus, nagtuloy-tuloy ito sa paglalakad. "Weird," naibulong niya sa mahinang boses. "Oh! Bakit ganun 'yun? Dati rati naman hindi mo pa nga pinapansin, kusa ng lumalapit sa'yo," nagtatakang saad ni Naveen nang makalapit. "Baka binasted na ni sissy Rian," sabat naman ni Mika. "Paano ko ba-bastedin kung hindi naman nanliligaw. Kayo talaga, oh." "O, baka naman na untog na? Alam na siguro na may Logan kana, kaya ayon ang drama." Isabella. "Ay, naku! Cafeteria na nga gutom na ako, e." Naveen at nanguna na sa paglalakad. Binaliwala na lang ni Rian ang hindi pagpansin sa kanya ni Kurt. Iniisip niya, na baka doon sa nangyari nang isang araw, sa pambabastos ni Logan sa kanya. Pabalik na sina Rian at kaibigan niya sa kanilang mesa, dala ng kanilang inorder na pagkain nang may biglang bumangga sa kanya. "Ouch!" hiyaw niya. "Sissy!" Sabay-sabay ding hiyaw ng kanyang mga kaibigan. Napa-upo siya sa sahig dahil sa lakas ng pagkabangga. Pati pagkain niya, natapon lahat. "Ouch!" daing niya muli dahil sa sakit.. Napasama ata ang pagkabagsak ng kanyang pang-upo. "Sissy, oh my God!" Nag-aalalang dinaluhan siya ni Isabella. "S-sorry, Rian. H-hindi ko sinasadya. I'm sorry talaga," hinging paumanhin ng lalaki na nakabangga sa kanya. "Hindi mo ba nakita ang kaibigan namin, huh Bulag ka ba o sadyang tanga ka lang talaga!" Naiinis na sigaw ni Naveen sa lalake. "Sissy, enough. It's an accident, okay." Pag-pipigil niya rito. Dahan-dahan na pinatayo siya ng mga kaibigan. "Patawad, Rian. Hindi talaga kita napansin agad. Nagmamadali kasi ako. Nakiki-usap ako, huwag mo sana ipaalam kay Sir Logan ang nangyaring ito. Dahil siguradong matatanggal ako dito kapag oras na malaman niya na nasaktan kita. Please! Maawa ka, Rian," pagsusumamo sa kanya nito. Tumayo siya ng maayos para harapin ito kahit pa masakit ang kanyang pang-upo. "Teka. Ano ba ang pinagsasabi mo? At bakit ka naman niya tatangalin dito, e, aksidente lang naman ang nangyari," kunot noo niyang pahayag. "Pinagsabihan kasi kami lahat ditong mga lalaki. Na kung lalapit kami sa'yo or makikipag-usap, paalisin raw niya kaming lahat. At sisiguraduhin rin daw niya na walang school na tatanggap sa amin," yumuko ito matapos sabihin ang mga 'yon. Parang nanghina si Rian sa mga narinig. Hindi niya inakala na kayang gawin ni Logan 'yon. Ang akala lang niya'y hanggang pagbabanta lang sa kanya ito. Pero, ngayon niya nalaman na halimaw pala talaga ang lalaking iyon. Kaya niyang sumira ng kinabukasan ng ibang tao para sa pansariling intensiyon nito. "Hindi ko na kaya ang ginagawa niya. Sumusobra na talaga ang lalaking 'yon!" galit na sabi niya at agad na umalis. Kailangan niyang makausap ang hudas na 'yon. Tiniis niyang maglakad kahit masakit. "Wait, sissy! Sandali!" sigaw sa kanya ni Naveen. Hinabol si Rian ng mga kaibigan. Hindi nito ininda ang puwet na masakit pa hanggang ngayon. Mas mahalaga rito na makausap ang hudas na halimaw na 'yon. Kailangan muna niyang umuwi sandali para makapagpalit. Natapunan din kasi ang damit niya ng ulam. Aist! Wala pala ang kotse niya. "Use my car, sissy," biglang sabi ni Naveen sa likuran niya sabay abot sa car key nito. "Thanks, sissy. I'll return this later." Pagkasabi nu'n, kinuha niya agad ang susi at binuksan ang driver's seat. Agad niya ito pinaandar at pinatakbo. Sa opisina ni Logan, naroon lahat ang kanyang mga kaibigan. Nag-uusap ang mga ito patungkol sa pagpapalawak ng La Resortera. "Okay, so approve na. Kailan natin ito sisimulan mga, bro?" saad ni Maverick sa mga kaibigan. "We need to start this as soon as possible," sagot naman ni Jagger. "Yeah. Dapat matapos ito bago magsimula ang summer. Dahil hindi tayo pwede mag-renovate habang marami ang mga turista doon," pag-sangayon din ni Quinn sa kanila. Naputol ang pag-uusap nilang magkakaibigan ng tumunog ang cellphone ni Logan. Naiiritang tiningnan nito 'yon at pinindot. "What is it?" Agad nitong sagot sa tawag ni Mark. "Sir, si Ma'am Abrianna po ka-." Napatayo siya nang marinig ang pangalan ng dalaga. "Punyeta! What happened to her?" sigaw niya sabay hampas sa mesa. Nagsitahimik naman ang mga kaibigan niya dahil sa gulat ng pasigaw nito at sa naging reaksiyon. "E. Sir, umuwi po kasi siya sa bahay nila at base sa nakita kong mukha niya ay galit na galit po. Madumi din po ang suot niyang damit," pagpapaliwanag nito. "Putangina! Hanapin niyo kung sino ang may gawa sa kanya niyan at dalhin niyo sa akin! Ngayon din!" Parang gusto niyang sumabog sa binalita sa kanya ni Mark. Iwan niya. Kapag si Abrianna na ang pinag-uusapan talagang iba ang epekto nito sa kanya. Gusto niyang magwala. Baby. Bulong ng kanyang isip. "Iyan ang hindi in love mga, bro! Kantiyaw ni Gavin na tumatawa. "Kung maka-react parang gusto ng pumatay." Tiningnan lamang niya ito ng matalim. "Hahaha! Iba na talaga yan, bro," dagdag pa nito. Hindi parin siya nagsalita. Iniisip niya si Abrianna at ang nangyari rito. "Ano raw nangyari sa kanya, bro? Teka, ano nga ba ang pangalan niya?" Tanong naman sa kanya ni Quinn. Sa kabilang banda, kakapasok lang ni Rian sa M.E Building. Agad siya dumeritso kung saan ang Information Area. "Excuse me, Miss?" Agad niyang sabi sa isang babae. "Yes." Sagot sa kanya na hindi tumitingin at patuloy lang sa pagsusulat. Na inis naman si Rian sa inakto ng babaeng kaharap niya. Nakakabastos kasi. "What floor of Mr. Logan Montefalcon?" Tanong niya na nakataas ang kilay. "Naku, Miss, kung isa ka lang sa mga babae ng boss ko. Umalis ka na lang dahil hindi ka rin nu'n haharapin." Sagot nito sa kanya na hindi parin siya tinitingnan. Hindi niya alam na namamana din pala ang masamang ugali ng boss nito. Pati mga empleyado bastos din kung umasta. "Please, tell him that I am here. I am Abrianna Del Fuego." Nagtitimpi niyang sabi. "Hindi nga pwe----." Doon na tumingin ang babaeng kausap ni Rian. Napatulala ang babae sa kanyang kaharap ngayon. Sa dami ng mga babae na nagpupunta dito sa kompanya ng boss niya at nababalita na nakarelasyon nito. Ngayon lang siya nakakita na ganito sobrang ganda. Ni wala pa sa kalingkingan nito 'yung mga babaeng haliparot ng boss niya. Mukhang modelo din ata ito sa tingin niya. Dahil matangkad ito, pero mukhang bata pa ata. "Hey Miss!" pukaw ni Rian sa kaharap dahil nakatanga na lang ito. "A-ahh y--yes, Ma'am. Pasensiya na po. Nasa fifty floor po ang office ni sir Logan." Nauutal na sabi nito sa kanya. "Thank you." Agad na sagot niya. Tumalikod na siya at naglakad patungong elevator na maghahatid sa kanya sa hudas na 'yun. Pagkabukas ng elevator nakita niyang may iilan ng nakasakay dito. Nakita niya na galing P floor ito, siguro sa parking area. Pagkapasok pa lang niya nagsitinginan na ang mga ito sa kanya na parang sinusuri na hindi makapaniwala. Agad niyang pinindot ang fifty floor. "Ang ganda naman niya grabe!" "Oo nga. Mukhang isa na naman ito sa mga babae ni Sir Logan siguro?" "Sayang siya mukhang bata pa, e." Mga tsismosa talaga kahit saan naglipana. Lakasan na lang kaya ng mga ito, nagbulungan pa, e, dinig na dinig naman niya. Mukhang marami pa ata siyang maririnig na mga bulungan dito dahil pang huli siyang lalabas. "Ako na ang sasagot sa tanong mo, bro. Mukhang walang balak sumagot yan. Total alam ko naman dahil pinaimbetigahan niya nga sa akin." Ngising-ngisi na sabi ni Gavin. Ito talaga ang napaka alaskador sa kanilang magkakaibigan. Napakatabil pa. "Oh sige, ano?" curious din na tanong ni Walter. "Si Ab-ria-nna," paputol-putol na sabi ni Gavin sa kanila. "Ano gusto niyo pa ba malaman ang family name niya?" pambibitin nito sa kanila. Hinagisan naman ito ng ballpen ni Killian. "Tangina mo, gago! Ibitin mo pa," inis na sabi nito. Pero bago pa matuloy ni Gavin ang sasabihin nito sana ay may bigla ng pumasok. "Miss hindi nga po talaga kayo pwede diyan!" Dinig nila pagkabukas ng pintuan. Nakita nila ang isang magandang babae. No, scratch the word maganda beacuse she's really a goddess. Biglang pumasok ito kasunod ang secretary ni Logan na parang pinipigilan pa ata ito. "Woooow! "Shitttt! "Nasa langit na ba ako?" "What a view." Nakanganga na sabi ng mga kaibigan ni Logan. Nabigla siya sa pagpunta nito ngayon dito. Dahil sa narinig sa mga kaibigan, malutong na mura ang pinakawalan niya. Alam niyang napakaganda ni Abrianna, pero hindi niya inakala na pati mga kaibigan niya hahanga rito. Pagkakita ni Rian sa mukha ni Logan mas lalo lamang tumindi ang galit niya. Mukhang na bigla pa ata niya ito. Hindi na maipinta ang mukha niya sa sobrang galit. Hindi niya pinansin ang mga kasamahan nito dito ngayon. Tuloy-tuloy lang siya sa pagpasok at tinungo ang pwesto ng lalake. "Ms, please umalis na po kayo." Sabay hawak ng secretary nito sa braso niya. Dahil sa galit na naramdaman niya hindi na niya napigilan na tarayan ito. "Bibitawan mo ako o babaliin ko yang kamay mo?" Galit na sabi niya sa secretary. Bigla naman binitiwan ng babae ang kamay niya. "Woahhhhh! Hiyaw ng mga kaibigan ni Logan. "Don't ever touch her, Dayen. You may go out now!" galit na sabi niya sa kanyang sekretarya. "Totoo ba, Logan? Na pinagbantaan mo ang lahat ng mga estudyanteng lalaki doon sa school?! Huh?! Please, tell me the truth!" galit niyang sigaw rito. Wala siyang paki-alam kung marinig man ng mga tao na nandito sa loob. "Yes." Naka poker face nitong sagot sa kanya. "How could you! Ganyan ka na ba kasama para gawin mo 'yon? Para lamang diyan sa pansarili mong interest?" "Sinabi ko na sa'yo ng pa ulit-ulit, Abrianna. I will do everything just for you. Ayaw na ayaw ko sa lahat ay' yung ginagago ako patalikod. Sabihin muna na masama ako, pero para sa'yo, baby, walang masama sa akin." Seryuso nitong sabi sa kanya. "Wala na sa tama yang pag-iisip mo, Logan. Nabubulagan kana diyan sa nararamdaman mo." Parang gusto ng maiyak ni Rian. Pero kailangan niyang magpakatatag para sa sarili niya at sa ibang tao na handang idamay ng hudas na ito. "Mahirap bang maintindihan na gusto kita ha, Abrianna. Ayaw ko lang na may iba na umaaligid sayo. Possissive na kung possissive, territorial na kung territorial wala akong paki-alam! Putangina lang nila! Don't ever try me, baby. I can make their lives miserable in just one snap of my fingers. No one can rob you from me." Logan said furiously. Hindi malaman ni Rian kung ano ang gagawin. Sa nakikita niya kay Logan, mukhang totohanin talaga nito ang mga sinasabi. Hindi namalayan ni Rian na umiiyak na pala siya. Bigla naman siya nilapitan ni Logan. "f**k! Hey baby, please stop crying. Please. I don't want to see you crying." Pang-aalo sa kanya nito. Instead na tumigil siya. Mas lalo lamang siya napaiyak. Niyakap na siya nito. "Baby, please stop that," sabay hiwalay nito sa pagkakayakap sa kanya. Pinapahiran nito ang mukha niya na may mga luha. "Abi?" dinig ni Rian na may tumawag sa kanya. Pero alam niyang isang tao lamang ang tumatawag sa kanya ng ganun at nasa New York ito matagal na. "Abi." Tumingin na siya sa kanyang likuran nang marinig muli ang pagtawag sa kanya. Paglingon niya. Ito nga. Hindi siya puwede magkamali. Nakatayo na ito. Sa dalawang taon na nagkalayo sila, mas lalo lamang ito gumwapo at ang tikas parin at mas lalo din gumanda ang pangangatawan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD