Chapter 27 Nakita ni Logan kung paano nagulat ang magandang mukha ng nobya. Nakamaang pa ang bibig nito. Darn it! Kung wala lang maraming tao sa paligid nila kanina n'ya pa ito sinugod at siniil ng halik. Sobrang na miss n'ya ito. "Tama ba ang narinig ko? Gusto mo makipaghiwalay sa'kin, huh?! Pagdidiin n'ya sa sinabi kasabay ng paglapit rito. Kung malapit na sila kanina ay mas ipinaglapit pa n'ya ang katawan nila. Akmang hahakbang sana ito paatras nang mabilis n'yang hinapit ang maliit na baywang nito. "Don't try me, Baby. You know me," bulong n'ya sa tenga nito kasabay ng paghalik sa pisingi. Naramdaman n'yang napakislot 'to sa kanyang ginawa. Napangisi na lamang s'ya. Alam n'ya pa rin kung ano ang epekto n'ya sa pinakamamahal. "U-umayos ka, Logan. We are here in a public place." Nahih

