Chapter 41 Pagkalapag ng chopper ni Logan sa bayan ng San Vicente, Guimaras ay sinalubong sila ng ibang mga tauhan na pinauna niya dito para mag matyag. Pagkababa, agad na tinungo nila ang naghihintay na mga speedboat na siyang gagamitan nila papunta sa isla na kinaroroonan ni Nazuri at ng nobya. Bawat grupo ay sakay sa kanya-kanyang speedboat. Kasama niya ang kanyang mga tauhan na sina Mark, Gilbert at ang iba pa. Kina Gavin, Walter, Killian at Morgan naman ay ang mga tauhan nito. Kinakabahan siya, hindi dahil sa paghaharap nila ni Nazuri, kundi sa posibleng mangyari kay Abrianna at sa kanilang magiging anak. Nasa isip niya pa lang ang mga posibilidad ay natatakot na siya. Ilang minuto na lang at mararating na nila ang kinaroroonan nito. Inikot muna nila ang kabuuan ng isla para mapa

