Chapter 40 "Ikaw?! "Kamusta ka na, mahal ko?" nakangiti siya nitong nilapitan. Mahal ko? Nanlaki ang kanyang mga mata na nakatingin rito. Ang salitang iyon? Ibig sabihin ito ang nagpapadala sa kanya ng mga bulaklak at tumatawag? Uhm. Sige po, lalabas po muna ako," nakayukong paalam ni Annabel sa kanila at umalis na agad. Tiningnan lamang nila ang paglabas ito. Ibinalik ni Rian ang paningin sa kaharap na ngayon ay matiim na nakatitig sa kanya. Napalunok siya. Hindi niya kayang paniwalaan ang nakikita sa mga mata nito. Longing and love. "If you are thinking that I'm the one who sent you all those things? Then, the answer is YES, mahal ko. No other than," sabay haplos nito sa kanyang mukha na agaran naman niyang iniwasan. Ang akala niya na mahal lang siya nito katulad ng sinabi ni Kat

