Chapter 39 Habang nakaharap si Rian sa kanyang vanity mirror dito sa loob ng kanyang walk-in-closet, natigil s'ya sa pagsusuklay ng kanyang buhok. Napangiti s'ya nang maalala ang nangyari sa kanila kahapon ni Logan. Sobrang saya niya ng mga oras na 'yun. Nang makatayo siya mismo sa pinapangarap niyang bahay. Hindi lang para sa kanya, kundi pati na rin sa magiging pamilya niya kung sakali. Mas lalo siya naging masaya nang sabihin nito na iyon ang magiging bahay nila kapag ikinasal na sila. Na doon sila bubuo ng isang malaki at masayang pamilya. Walang katumbas na kasiyahan ang naramdaman n'ya ng mga oras na iyon. Naitanong nga n'ya sa kanyang sarili. Ano nga ba ang nagawa n'ya sa mga nakaraang buhay n'ya? Bakit s'ya biniyaan ng ganito? Bakit ibinigay sa kanya ang mga taong minahal s'ya ng

