Chapter 38 Pag-bungad ni Rian sa kanilang dining area, nakita n'ya si Manang Lourdes na naglalapag ng mga pagkain pang-almusal. Nahihiya pa rin siya rito. Kagabi nga halos hindi niya ito matingnan ng mabuti. Na gi-guilty siya sa pagsinungaling rito. "Good morning, Manang," nakayuko n'yang bati habang papalapit sa hapagkainan. "Magandang umaga din sayo, Rian. Ano'ng gusto mong kainin?" masayang sabi nito. "Oh heto, kainin mo." Magsasandok na sana ito nang pigilan niya ang kamay nito. "Ako na, Manang. Nakakahiya po. Hindi naman ito mabigat kaya okay lang," nakangiti n'yang sabi. Hindi naman s'ya mapapano kung magsasandok lang ng pagkain. Ayaw pa naman n'ya sa lahat ay ang umasa sa iba. Nasanay siya na ginagawa ang lahat na hindi humihingi ng tulong. "Manang," nahihiya n'yang tawag.

