Chapter 12 "Alam ko naiinis ka sa akin. Please, talk to me, baby." Kagabi pa gusto ni Logan makausap ang nobya pero nang makabalik sila hindi siya nito iniimik. Hindi na lang din niya muna ito pinilit. Siguro naman ngayon, okay na ito. "Sabihin mo nga sa akin, Logan. Wala ka bang tiwala sa akin?" "Ba't mo naman naitanong 'yan?" "Sagutin mo ang tanong ko! Huwag mo akong sagutin ng isa pang tanong." Naiinis talaga si Rian rito. "Okay, okay." Mukhang alam na niya kung ano ang ikinagagalit nito. "May tiwala naman ako sa'yo, ang wala lang akong tiwala ay sa mga lalake na nasa paligid mo." "For Goodness sake, Logan! They are your friends. Natural na ganun ang suotin ko dahil nasa dagat tayo. Ano gusto mo naka long-sleeved at jeans ako?" "Kahit mga kaibigan ko sila, mga lalaki pa rin ang

