Chapter 11 Nagising si Rian dahil sa init ng araw na tumama sa balat niya. Nag-inat siya ng katawan. Kinuha niya ang kanyang cellphone na nasa bedside table para tingnan kung anong oras na. Ganun na lamang ang gulat niya nang makita na alas nuebe na pala. Nagmamadaling tinungo niya ang banyo at naligo. s**t! Nakakahiya kay Logan at sa mga kaibigan nito. Pagkatapos mag-ayos, dali-dali na niyang kinuha ang kanyang cellphone para lumabas. Pero bago paman siya tumalikod may nahagip ang kanyang mga mata. Isang papel na nakadikit sa lampshade. Kinuha niya 'to at binasa. Rise and shine, my baby! Hindi na kita ginising, alam kung pagod na pagod ka. Nandito lang kami sa restaurant. Pumunta kana lang dito, iniwan ko ang golf cart ko diyan. PS: Huwag magsuot ng maiiksi at reaviling na damit. Ala

