Chapter 56 Kanina pa nagpapaliwanag at nakikiusap si Logan sa kanyang mga anak. Kahit ano na ang ginawa niyang pagpapaintindi para lang mapatawad siya ngunit, nanatili lamang tahimik at nakayuko mga ito. Dito na siya nakatulog kagabi matapos silang makapagusap ni Abrianna. "Baby angel, son, please patawarin niyo na si daddy, oh. Hindi na mauulit mga anak, pangako," pag-uulit niya pero wala pa rin siyang nakuhang sagot. "Babies, ano pa ba kailangang gawin ni daddy para mapatawad niyo ako?" pagsusumamo niya. Pagdating kay Abrianna at sa mga anak niya wala siyang pakialam kung magmukha man siyang tanga o kaawa-awa. Tanging sa pinakamamahal lamang niya gagawin ito. Matiim na tinitigan siya ni Lucarth. "Make us your priority, dad. We don't want to be an option," sagot nito. Napamulagat s

