Chapter 55 Madaling araw na nang makauwi si Rian. Pagod at sobrang bigat ng kanyang katawan. Pagkapasok pa lamang niya sa loob ng kanilang bahay, pabagsak niyang hiniga ang katawan sa sofa. Masakit rin ang kanyang talampakan sa ilang oras na kakatayo sa pag-oopera. Inihatid siya ni Mark dahil nagpaiwan muna si Logan sa ospital para bantayan si Amity habang hinihintay ang pagdating ng ina nito mula sa Greece. "Oh! Anak, nandiyan kana pala? Bakit dinamag ka ata?" sabay lapit ng kanyang ina pagkababa ng hagdan. Hindi niya sinagot ito. Nagtataka siya kung bakit gising na ito ng ganito ka aga, mag-aalas tres pa lamang. "Ba't gising kana, mommy?" Bumangon siya't umupo. "Uhm, tumawag kasi ang daddy mo, anak," napansin niya ang lungkot sa mga mata nito. "Kailangan niya raw ako sa kompanya na

