Chapter 54 Hindi mapakali si Rian habang nasa tabi ng Gynaecology na nag-uultrasound para malaman ang kondisyon ng baby ni Amity. Kasama niya si Dylan na nandito sa kanyang tabi, naghihintay rin. "The baby is safe. Are you going to perform surgery?" tanong sa kanila ng Gynaecology. Nag-aalalang nagkatinginan silang dalawa ni Dylan. "Oh, siya, sige maiwan ko muna kayo," pamamaalam nito. "Thank you, doc," aniya. Umalis na ito at sila na lamang ang naiwan. Nag-aalala siya sa kaibigan lalo na sa dinadala nito. "Hindi pa rin ba tapos si Dr. Marcus o si Dr. Mariano sa inooperahan nila, Dylan?" tanong niya rito. Ang mga ito kasi ang isa sa mga neurologist nila. Habang ang dalawa pa nitong mga kasama ay naka on-leave. "Not yet." "Kung gayun, sino ang titingin sa kalagayan ni Amity? Alam nat

