Chapter 53 Naging magaan ang pakiramdam ni Rian matapos makapag-usap sila ni Hector. Naliwanagan siya sa lahat ng bagay. Iyong sama ng loob na naramdaman niya rito ay biglang nawala at napalitan ng paghanga. Humanga siya sa klase ng pagmamahal nito. Kung paano ito handang magsakripisyo, masaktan at magparaya para sa taong minamahal. Maiksi lang ang buhay. At ang pangalawang buhay na ibinigay ng Diyos sa kanya ngayon ay hindi niya sasayangin para lang sa galit at panunumbat. Ang lahat ay nangyari na. Magalit man siya, manumbat, o gumanti, magiging walang silbi pa rin 'yun. Hindi maibabalik ng kanyang galit ang nangyari sa nakaraan. Ang mahalaga ay ang ngayon. Huminto siya sa paglalakad at lumingon sa pintuan na nilabasan kani-kanina lang. "Nang umuwi ka dito sa Pilipinas, sinabi ko lahat

