Chapter 52 Malamig na hangin ang humahaplos sa balat ni Rian habang nakatanaw sa madilim na karagatan. Nandito siya ngayon sa biranda habang hinihintay si Logan na nagpapatulog sa kanilang anak na si Cassalia. Naglalambing ito sa ama kanina na patulogin nito. "Malalim ata ang iniisip ng baby ko," sabay yakap nito mula sa kanyang likuran. "Tulog na ba ang mga bata?" tanong niya rito. "Oo. Bago ko sila iniwan sinigurado ko muna na mahimbing na silang natutulog," mas lalo siyang niyakap ng mahigpit nito. "So, ano ang iniisip ng baby ko?" "Iniisip ko lang iyong mga nangyari sa atin nu'n. Kung anong mga pagsubok ang dinaanan natin. Hindi ko inakala, babe, na sa pagmamahalan natin mangyayari ang lahat ng 'yun," tukoy niya sa nangyari walong taon na ang nakaraan na muntikan na niyang ikinama

