Chapter 36 Masaya at maaliwalas na mukha ni Rian ang bumungad sa harapan ng mga magkakaibigan. "Good morning, sissies!" nakangiti at masiglang bati n'ya. Agad lumingon sa kanya ang mga ito na tumigil sa pag-aayos sa mga naka-display nilang mga damit at sapatos. "Pangalawang araw na tayong ganyan sissy, uh?" may panunuksong sabi ni Mika sa kanya. Nginitian lamang n'ya 'to saka tumulong na sa pag-aayos. "Kayo na ba ulit?" sabay siko sa kanya ni Naveen. "Nope," sagot n'ya sabay iling. "Eh? Hindi pala e, bakit ganyan ang mga ngiti mo? Ang huling naalala ko, iyang mukha mo ay para kang namatayan," muling sagot ni Mika. "Tss! Sabihin na lang natin na mayroong dumating sa buhay ko na hindi mababayaran at matutumbasan ng kahit anong halaga." Pagkasabi niya nu'n ay tumingin siya kay Isab

