Chapter 35 Kinaumagahan, masayang gumising si Rian. Kahit na tatlong oras lamang ang kanyang tulog dahil na rin sa paghihintay niya ng sampalok na alas dos na ng madaling araw naihatid ni Gilbert. Kahit puyat man hindi n'ya inalintana na hindi gumising ng alas sais ng umaga. Masaya ang pakiramdam niya at nananabik sa kadahilanan na magkikita sila ni Logan mamaya. Hindi n'ya alam kung bakit kakaibang saya at excitement ang kanyang nararamdaman. Hindi ito tulad ng dati na noong sila pa nito. Talagang kakaiba na hindi n'ya maipaliwanag. Dahil ba sa buntis s'ya kaya ganito? Lahat na lang may kakaiba sa kanya. Hindi niya ata ito kakayanin kung siya lang mag-isa. Inalis n'ya sa kanyang isipan ang mga alalahanin. No to stress for the baby, ika nga ng doctor n'ya. Kailangan na niyang maghanda dah

