Chapter 34 Kakalabas pa lang ni Hector galing sa Pedia Ward nang mamataan niya si Rian palabas ng opisina ni Dra. Climente. Hinabol n'ya ito pero hind na niya naabutan dahil nakasakay na ito sa kotse nito. Bumalik siya papasok sa loob ng Emergency Room na may iniisip. Anong ginagawa nito sa opisina ni Dra. Climente? Alam n'yang isang OB-Gyne ito dahil nakahalubilo na rin n'ya ito minsan. Hindi kaya? Dali-dali s'yang pumunta sa opisina ng nasabing doctora. May kailangan lang s'ya kompirmahin kung tama nga ba ang nasa isip n'ya. Tok! Tok! Tok! Kumatok siya. "Come in!" narinig n'yang sagot nito. Pinihit niya ang seradura ng pinto. Pagkabukas, nakita n'yang may sinusulat ito at napapatingin din ito sa monitor ng computer nito. "Good afternoon, Dra. Climente," bati n'ya. Nagtaas ito ng

