Chapter 33 Nanggagalaiti sa galit si Logan dahil sa kanyang nalaman. Pinaimbestigahan n'ya ang nangyaring pagsabog sa planta ng petroleum niya sa Dubai tatlong buwan na ang nakaraan. Dahil malakas ang kutob niya na hindi lamang aksidente ang nangyari. At tama nga s'ya. Isa sa mga ka business partner niya ang may gawa. Si Yrone Ravis na dati nilang kaklase noong nasa college pa lamang sila sa Harvard. Kilala din ito ng mga kaibigan n'ya lalo na si Gavin na mortal na kaaway nito nu'n. Tinanggap niya ang pakikipagsosyo rito dahil alam niyang malawak na rin ang kaalaman nito sa ganitong klase ng negosyo. Isa sa mga major business nito ay ang oil at gas. Alam nito kung ano ang ugali n'ya sa mga nag-tatraidor sa kanya, kaaya hindi n'ya naisip na ito pala mismo ang traidor. Naikuyom na lamang n

